Ang bawat isa ay inaanyayahan ng Panginoon na maging banal.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 522 total views

Ito ang bahagi ng mensahe ni Rev. Fr. Greg Gaston – Rector ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma sa naganap na beyatipikasyon kay Blessed Pope John Paul the 1st na pinangunahan ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ayon sa Pari, ang lahat ay Ang bawat isa ay inaanyayahan ng Panginoon na maging banal.

“Kung nasaan man tayo, doon tayo iniimbita ng Panginoon na maging banal kagaya ni Pope John Paul the 1st, kagaya ng ibang mga banal na kung nasaan man tayo [doon tayo tutulong sa ating Santo Papa, doon tayo tutulong sa Simbahan].” mensahe ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Sinabi ng Pari na tinatawagan tayo ng panginoon na magsilbing tagapaghatid ng mensahe, pag-ibig at kaligayahan sa lahat hindi lamang sa pamamagitan ng pananalangin at pababahagi ng salita tungkol sa Panginoon kundi sa pamamagitan ng gawa.

Nilinaw ng Pari na ang lahat ng binyagang Katoliko ay nagsisilbing instrumento at daluyan ng pagmamahal at biyaya ng Panginoon sa pagpapamalas ng virtues na nagmula sa Panginoon kabilang na ang pagmamahal sa kapwa, pagkakaroon ng malalim na pananampalataya, pag-asa at tiwala sa kaloob ng Diyos para sa lahat.

“Kayo talaga ang magdadala ng mensahe ng Panginoon sa inyong gawa, hindi lang sa inyong pagdadasal, hindi lang sa inyong pagsalita tungkol sa Panginoon kundi sa inyong gawa. Ang pag-ibig, ang kaligayan na dinadala ninyo sa kapwa yan din ang pag-ibig ng Panginoon, yan din ang kaligayahan na binibigay ng Panginoon sa buong mundo. Tayo ang instrumento, tayo ang dinadaanan ng pagmamahal ng Panginoon, yung ating love, yung ating faith, yung ating hope, yung ating prudence, yung ating virtue, yung ating temperance, yung ating justice, yung ating fortitude, courage, lahat ng mga virtues.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Pinangunahan ng Santo Papa Francisco ang biyatipikasyon kay Blessed Pope John Paul the 1st sa misang ginanap sa St. Peter’s Square sa Roma noong ika-4 ng Setyembre, 2022.

Si Blessed Pope John Paul I ay isinilang sa Italya noong October 1912 bilang si Albino Luciani at naging tanyag sa taguri bilang The Smiling Pope.

Ang namayapang Santo Papa ay namuno lamang sa loob ng 33-araw at isa sa pinakama-igsing naglingkod bilang pinuno ng Simbahan mula noong August 26, 1978 hanggang sa kanyang pagkamatay noong September 28 sa parehong taon.

Ang naganap na biyatipikasyon kay Blessed Pope John Paul I ay isang pagbibigay linaw din sa maling impormasyon kaugnay sa kagya’t na pagpanaw ni Pope John Paul I na ayon sa isinagawang pagsasaliksik ng mga eksperto ay dahil sa atake sa puso at hindi pagkalason.

Ang himala na naitala kay Blessed Pope John Paul the 1st ay nagmula sa bansang Argentina kung saan may isang bata na may epilepsy na nasa kritikal ng kondisyon at imposible ng mabuhay ang ipinanalangin ng kanyang pamilya at ng isang pari sa pamamagitan ng Pope John Paul the 1st ang agad gumaling sa hindi maipaliwanag na dahilan ng mga doktor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 14,519 total views

 14,519 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 65,203 total views

 65,203 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 71,332 total views

 71,332 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 100,940 total views

 100,940 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 119,129 total views

 119,129 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top