Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang pakikilahok sa pangangalaga ng mga karagatan

SHARE THE TRUTH

 592 total views

Mga Kapanalig, itinalaga ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang ikatlong linggo ng buwan ng Oktubre bilang Linggo ng Pangisdaan. Ngayong taon, ang tema nito ay “Malinis at Masaganang Karagatan Tungo sa Mas Masiglang Pangisdaan.” Sa darating na Biyernes, huling araw ng pagdiriwang, pararangalan ng Department of Agriculture o DA ang mga pamayanang napanatiling malinis at masagana ang kanilang karagatan. Tatagurian silang mga “Kabalikat sa Pangisdaan.”

Isa lamang ito sa napakaraming hakbang na BFAR upang itaguyod ang kahalagahan ng pagpapanatiling nasa maayos na kalagayan ng ating mga karagatan. Tunay nga namang malaking bahagi ng ating populasyon ang nakasalalay ang pamumuhay sa pangingisda: ang Pilipinas ay isang kapuluan o archipelago na binubuo ng mahigit 7,000 isla, at lampas kalahati ng mahigit sa 1,500 na munisipyo at siyudad sa ating bansa ay may nasasakupang katubigan. Nakalulungkot nga lamang isipin, mga Kapanalig, na ang mga kababayan nating mangingisda ang isa sa mga pinakamahirap na sektor sa ating lipunan.

Ang BFAR, na nasa ilalim ng DA, ang inatasang magpatupad ng mga pambansang programang pampangisdaan alinsunod sa Republic Act 8550 o ang Batas Pangisdaan ng Pilipinas ng 1998. Binibigyang-diin ng batas na ito ang lahat ng aspeto ng pangisdaan ng bansa kasama na ang paggamit o utilization, pamamahala o management, pagpapaunlad o development, pangangalaga o conservation, at pagkalinga o protection ng yamang-dagat. Nito lamang nakalipas na taon, naisabatas ang Republic Act 10654 na naglalayong palakasin ang Batas Pangisdaan upang sawatain ang mga tinatawag na “illegal, unreported and unregulated fishing.” Itinatakda ng inamyendahang batas ang mas mataas na halaga ng kaparusahan o penalty na sapat upang pigilan at magdalawang-isip ang sinumang may intensyong sumira at umabuso sa ating karagatan.

Kinikilala rin ng Batas Pangisdaan ang awtonomiya o ang karapatang magpasya ng mga pamahalaang lokal o local government units, kung kaya’t sila ay binibigyang kapangyarihang pangasiwaan ang tinatawag na municipal waters, ang katubigang nakapaloob sa 15 kilometro mula sa pampang. Ang municipal waters ay ilalaan lamang sa mga maliliit na mangingisda at ipinagbabawal doon ang pangingisda ng mga komersyal na pamalakaya. Kung BFAR ang pangunahing ahensya sa mga usaping pangisdaan sa pambansang nibel, ang mga Fisheries and Aquatic Resources Management Councils o FARMCs ang nakatutok sa mga ito sa antas ng mga bayan at lungsod. Ang isang FARMC ay binubuo ng mga kinatawan ng mga grupo ng mga mangingisda, mga nongovernmental organizations, at ng mismong lokal na pamahalaan. Tungkulin ng mga FARMCs na pamunuan, panatilihin, paunlarin, at pangalagaan ang bahagi ng yamang-dagat kinasasakupan ng kanilang bayan.

Ang halimbawang ito ng pagbibigay kapangyarihan at tungkulin sa bawat miyembro ng isang pangisdaang-komunidad ay isa sa mga prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan o Catholic social teaching. Ayon sa Compendium of the Social Doctrine of the Church, ang prinsipyo ng pakikilahok ng bawat mamamayan sa iba’t-ibang gawin—bilang indibidwal man o kabilang sa isang pangkat, sila mismo o sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawan—ay nakaaambag sa kultural, ekonomiko, pulitikal, at panlipunang buhay ng pamayanan kung saan siya nabibilang. Ayon pa rito, ang pakikilahok ay isang tungkulin na dapat tuparin ng lahat nang may pananagutan at may pagtanaw sa kabutihang panglahat o common good. May mga karapatan at kaakibat na tungkulin ang mga mamamayan—kabilang siyempre ang mga mangingisda at mamamalakaya—na hubugin ang kanilang kaunlaran sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa pampublikong pagpapasyang may kinalaman sa buong sambayanan.

Mga Kapanalig, tunay na makabuluhan at nararapat na parangalan ang mga “Kabalikat ng Pangisdaan”. Hindi lang dahil ipinagdiriwang nito ang pagbibigay-kapangyarihan sa taumbayan, kundi kinikilala rin nito ang mismong pagtugon ng mga pamayanang ito sa pananagutan nilang makilahok tungo sa kapakanan ng lahat. Magpatuloy at lumawak pa nawa ang ganitong uri ng pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga mamamayan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

May katarungan ang batas

 2,077 total views

 2,077 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »

Filipino Voters

 16,639 total views

 16,639 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 22,756 total views

 22,756 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »

Disinformation At Polarization

 29,686 total views

 29,686 total views The dangers of new communication technologies. Sa paggunita ng ika-59 World Communications day, pinuna ni Pope Francis ang “era of disinformation and polarization”. Pinuna ng Santo Papa ang mga makapangyarihang social networks na nagdudulot lamang ng “fanaticism at hatred”. Bilang pagkilala sa mga mamamahayag, nauunawaan ng Santo Papa ang hirap, sakripisyo at responsibilidad

Read More »

Pagkamamamayang for sale?

 36,706 total views

 36,706 total views Mga Kapanalig, ano nga ba ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino? Sa isang bill na inihain ni Congressman Joey Salceda para bigyan ng Filipino citizenship ang negosyanteng Tsino na nagngangalang Li Duan Wang, sinabi niyang taglay ng dayuhan ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino: mapagmahal, mapagbigay, magalang, mabuti, matapat, nagsusumikap, at

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

May katarungan ang batas

 2,078 total views

 2,078 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Filipino Voters

 16,640 total views

 16,640 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 22,757 total views

 22,757 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disinformation At Polarization

 29,687 total views

 29,687 total views The dangers of new communication technologies. Sa paggunita ng ika-59 World Communications day, pinuna ni Pope Francis ang “era of disinformation and polarization”. Pinuna ng Santo Papa ang mga makapangyarihang social networks na nagdudulot lamang ng “fanaticism at hatred”. Bilang pagkilala sa mga mamamahayag, nauunawaan ng Santo Papa ang hirap, sakripisyo at responsibilidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkamamamayang for sale?

 36,707 total views

 36,707 total views Mga Kapanalig, ano nga ba ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino? Sa isang bill na inihain ni Congressman Joey Salceda para bigyan ng Filipino citizenship ang negosyanteng Tsino na nagngangalang Li Duan Wang, sinabi niyang taglay ng dayuhan ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino: mapagmahal, mapagbigay, magalang, mabuti, matapat, nagsusumikap, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kampanya na!

 43,440 total views

 43,440 total views Mga Kapanalig, nagsisimula ngayong araw, ika-11 ng Pebrero, ang campaign period para sa mga kandidatong tumatakbo para mga pambansang posisyon. Sinong mag-aakalang may opisyal na campaign period pala? Malayung-malayo pa ang eleksyon, kaliwa’t kanan na ang mga patalastas sa TV, radyo, diyaryo, at maging sa social media ng mga pulitiko. Tadtad ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Simbahang nakikilahok

 45,742 total views

 45,742 total views Mga Kapanalig, noong huling araw ng Enero, iba’t ibang grupo ang nagkasá ng kilos-protesta para protektahan ang pondo ng bayan. Pangunahing panawagan nila ang pagbibigay-linaw ng administrasyon sa ipinasá nitong budget para ngayong taon. Ikinababahala kasi ng mga grupong ito na baka magamit ang pera ng bayan para sa mga proyektong gagatasan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bible Mahalaga Sa Pagbuo Ng Isang Batas

 45,265 total views

 45,265 total views KAPANALIG, nalalapit na naman ang 2025 Midterm national at local elections… Lumabas sa pag-aaral ng PEW Research Center na mayorya sa mga Filipino ang nagpahayag na malaki ang papel ng bibliya(bible) sa pagbuo ng national law sa PIlipinas. Sa survey ng PEW, 51-porsiyento ng mga Filipino ang naniniwalang malaki ang impluwensiya ng “Bible”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Budgetary Banditry

 49,902 total views

 49,902 total views Kapanalig, ang “banditry” isang uri ng organized crime na ginawa ng mga “outlaws” o sa madaling salita ay criminal. Bakit ginamit ang “budgetary banditry” sa 2025 General Approrpiations Act (GAA)? Bakit, itinuturing na “outlaws” ang mga mambabatas na nagpasa ng 2025 General Appropriations Act at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang lalagda sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, lunas sa pagkakanya-kanya

 51,178 total views

 51,178 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagkakaluklok muli sa puwesto ni US President Donald Trump ang paglagda niya sa isang executive order (o EO) na pansamantalang inihihinto ang lahat ng foreign aid ng Estados Unidos. Layunin ng EO na pag-aralan ang lahat ng foreign aid at siguruhing isinusulong ng mga ito ang interes ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang online hukuman

 52,661 total views

 52,661 total views Mga Kapanalig, noong katapusan ng Enero, nag-viral ang isang Facebook post kung saan inakusahan ng sexual harassment ang isang driver ng isang TNVS o transportation network vehicle service. Ikinuwento ng nag-post, na isang estudyante, na kinailangan nilang bumabâ ng kapatid niya sa kalagitnaan ng biyahe nila pauwi, dahil sa kalaswaang ginawa diumano ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan para sa katarungan

 59,758 total views

 59,758 total views Mga Kapanalig, hinahamon tayo ng Diyos na pairalin ang katarungan sa ating bayan.  Ayon sa Jeremias 22:3, “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala.” Para sa Diyos, ang pananagutan natin sa isa’t isa ang magiging daan upang mabuhay tayo sa katarungan. Isang halimbawa ng paraan natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pag-uusap, hindi pananakot

 69,458 total views

 69,458 total views Mga Kapanalig, sa pagitan ng mga taóng 2021 at 2022, tumaas ng 35% ang bilang ng mga babaeng edad 15 pababa na nabuntis. Base ito sa datos na nakalap ng NGO na Save the Children. Ang mga taóng ito ang kasagsagan ng pandemya.  Lubhang nakababahala ito.  Hindi handa ang katawan ng isang batang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Araw-araw na kalupitan

 66,629 total views

 66,629 total views Mga Kapanalig, noong Disyembre pa nang makunan ang nag-viral na video kamakailan kung saan makikitang hinablot ng security guard ng isang mall ang panindang sampaguita ng isang babae. Tila inambahan pang saktan ng guwardya ang babae nang umalma siya. Napukaw ang interes ng publiko sa nangyaring ito. Inalam ng media at ng DSWD

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwad na kapayapaan

 63,642 total views

 63,642 total views Mga Kapanalig, sa sulat ni San Pablo sa mga Taga-Roma, sinabi niya, “Ang bawat tao’y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos.”  Madalas gamitin ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top