VeritasPH

The Word, The Truth

Ang pamantayan sa mga lingkod-bayan

SHARE THE TRUTH

 198 total views

Mga Kapanalig, nabalitaan ba ninyo ang plano ng Department of Trade and Industry (o DTI) na magkaroon ng “standards” o mga pamantayan sa pagluluto ng adobo?

May mga natawa at nainis dahil sa dami ng suliranin ng bansa, ito pa ang naiisip gawin ng kagawaran. May mga naguluhan din dahil matapos imungkahi ni DOLE Secretary Silvestre Bello na huwag nang gawing requirement ang board at bar exams, heto naman ang DTI na gustong magkaroon ng mas mahigpit na pamantayan sa pagluluto ng adobo. Paliwanag ng DTI, makatutulong ito sa pagtataguyod ng ating mga produkto at pagbangon ng ekonomiya. ’Di nagtagal, binawi ng kalihim ng DTI ang sinasabing “standardization” ng adobo at sinabing gagawa na lamang ang ahensya ng “baseline” sa pagluluto ng adobo.

Sa gitna ng diskusyon tungkol sa pagkakaroon ng mga pamantayan para sa pagluluto ng isang putahe, marami ang nagtatanong: ano naman ang mga pamantayan natin sa ating mga lider?

Kasabay ng isyu sa adobo noong nakaraang linggo ang pagsulpot ng mga kandidatong tatakbo sa susunod na eleksyon. Una nang inilabas ng PDP-Laban ang senatorial bets nito. Nariyan ang mga  opisyal ng administrasyon katulad ni Spokesperson Harry Roque at DPWH Secretary Mark Villar. Nasa listahan din ng partido ang mga artista at isang sikat na newscaster. Patuloy naman daw ang pag-iisip ng mag-amang Duterte kung tatakbo sila sa susunod na halalan.

Maliban sa partido ng pangulo, inanunsyo rin noong isang linggo nina Senador Ping Lacson at Senate President Tito Sotto ang kanilang tambalan para sa pinakamatataas na posisyon sa bansa. May listahan na rin sila ng plano nilang i-eendorsong mga senador na karamihan ay mga dati ng senador. Samantala, inaabangan pa rin ng ilan ang mga kandidatong susuportahan ng 1Sambayan mula sa mga inanunsyo nilang nominees katulad nina Vice President Leni Robredo, Senador Antonio Trillanes, at Atty. Chel Diokno.

Sa dami ng mga pangalang ito, ano nga bang pamantayan o “standards” natin sa pagpili ng mga lider natin? Susuportahan ba ng mga botante ang kasalukuyang administrasyon at mga ilang taon nang nanilbihan sa Senado? Magiging akma ba ang kakayahan ng mga artista sa gawaing ang layunin ay bumuo ng mga batas? Maisasakatuparan ba ng mga personalidad sa oposisyon ang mga pagbabagong inihahain nila? Kung nakikita ng ilang makatutulong ang magkaroon ng standards sa pagluluto ng adobo, hindi ba mas dapat tayong magkaroon ng mga pamantayan sa pagpili ng ating mga lingkod-bayan?

Naniniwala ang panlipunang turo ng Simbahan sa papel ng moral na aspeto sa panunungkulan bilang mahalagang pamantayan sa paglilingkod. Binubuo ang moral na aspetong ito ng layuning makibahagi sa pinagdaraanan ng taumbayan at tugunan ang mga suliranin ng bayan. Ibig sabihin, dapat gamitin ng mga nanunungkulan sa pamahalaan ang kanilang kapangyarihan sa makabuluhang paglilingkod sa kanilang mga pinaglilingkuran. Ang kanilang kapangyarihan ay mula sa taumbayan, kaya hindi ito kailanman dapat gamitin para sa kanilang pansariling interes. Ang pagiging lingkod-bayan ay pagsisilbi bilang isang instrumento tungo sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

Mga Kapanalig, sa mga susunod na buwan, madagdagan pa ang pangalan ng mga kandidato. Darami rin ang batuhan ng putik sa pagitan ng mga naglalabang kampo, at aapaw ang matatamis na pangako ng mga kandidato. Higit na magiging mahirap para sa ating suriin kung sino sa kanila ang totoong magsusulong ng kabutihang panlahat. Kinakailangan ng aktibong pakikilahok ng taumbayan upang alamin kung totoo ang ating mga mababasa at maririnig. Tandaan natin ang pamantayang iniwan sa atin ni Hesus bilang ehemplo ng isang tunay na lingkod-bayan. Katulad ng sinabi niya sa Lucas 22:26, “…ang pinakadakila ang dapat lumagay na pinakamababa, at ang namumuno ay maging tagapaglingkod.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 1,951 total views

 1,951 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 17,937 total views

 17,937 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 25,982 total views

 25,982 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 31,062 total views

 31,062 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,768 total views

 36,768 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 1,952 total views

 1,952 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 17,938 total views

 17,938 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 25,983 total views

 25,983 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 31,063 total views

 31,063 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,769 total views

 36,769 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,221 total views

 44,221 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,146 total views

 41,146 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,460 total views

 55,460 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,150 total views

 59,150 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,753 total views

 57,753 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,740 total views

 67,740 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,708 total views

 71,708 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,595 total views

 82,595 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,034 total views

 95,034 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,792 total views

 105,792 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top