Ang Pasko ay pakikipanuluyan ng Diyos sa mga aba at makasalanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 447 total reads

Ito ang naging buod ng pagbati ni Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ngayong Pasko.

Hinimok ni Bishop David ang mga mananampalataya na magnilay sa sabsaban kung saan isinilang at nakipamahay ang Diyos sa tao.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Bishop David, chairman ng CBCP – Permanent Committee on Cultural Heritage of the Church, walang sinuman ang may karapatan na kumitil ng buhay lalo na ng mga drug users na biktima lamang ng kahirapan.

Hiniling ni Bishop David sa pamahalaan at sa mga nasa likod ng pagpatay na ito gayundin sa mga nagsusulong ng parusang kamatayan na tanggapin ang kapwang nagkasala tulad ng Diyos na piniling maging tao at makipamuhay sa ating makasalanan.

“Kaya sa Pasko ang dasal ko sana matauhan ang lahat ng nagsasabing dapat ng puksain at patayin ang mga adik marami sa kanila ay nagkakaganyan dahil may sakit sila o nasa karukhaan. Sayang naman, masaklap ng malaman na ang Diyos pala ang pinagsasarhan natin ng pinto o pinapaslang o sinisentensiyahan muli sa Krus. Huwag nating hayaang pagsarhan ng pinto ang Diyos na nakikipanuluyan sa ating piling,” bahagi ng pahayag ni Bishop David sa panayam ng Radyo Veritas.

Patuloy na naninindigan ang Simbahan na bigyan ng pag-asang magbagong buhay ang mga nagkasala sa halip tapusin ang buhay.

read: http://www.veritas846.ph/ugnayan-ng-simbahan-sa-komunidad-papalakasin-kontra-culture-death/

Unang nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na lima hanggang anim na katao kada araw ang mamatay sakaling maibalik ang capital punishment o parusang kamatayan sa bansa na una ng na – aprubahan sa committee level ng Kongreso noong ika – 7 ng Disyembre 2016.

Samantala, nagpahayag na rin ng pagkabahala ang ilang obispo tulad ni Bishop Ruperto Santos sa lumabas na survey ng Social Weather Stations na 8 sa 10 o 78 – porsiyento ng mga Pilipino ang natatakot sa laganap na extra – judicial killings.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 47,242 total reads

 47,242 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 96,978 total reads

 96,978 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 144,849 total reads

 144,849 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 248,798 total reads

 248,798 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 332,506 total reads

 332,506 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 309,291 total reads

 309,291 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 416,535 total reads

 416,535 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top