Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang sinasalamin ng Hacienda Tinang

SHARE THE TRUTH

 203 total views

Mga Kapanalig, mahigit 80 katao na kinabibilangan ng mga magsasaka at ilang tagasuporta nila ang marahas na inaresto ng mga pulis sa Barangay Tinang, Concepcion, Tarlac noong ika-9 ng Hunyo sa kasong malicious mischief at illegal assembly. Naganap ito isang araw bago ang anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP at kung kailan sama-samang gagawin ng mga magsasaka tinatawag nilang “bungkalan”.

Isang kooperatibang umaangkin sa mahigit 200 ektarya ng lupa sa Hacienda Tinang ang nagreklamo at naghain ng kaso laban sa mga magsasaka. Ayon sa koop, mag-aanim na taon na nilang hawak ang kaukulang certificate of land ownership award o CLOA. Tinututulan ito ng mahigit sa 200 magsasaka o agrarian reform beneficiaries (ARB) na nagsabing hawak na nila ang CLOA noong 1995 pa. Handa na nga noon ang Department of Agrarian Reform (o DAR) na italaga o i-install ang mga magsasaka sa kani-kanilang lupa nang magpetisyon ang koop na ipawalambisa ang naturang desisyon sa pag-install ng DAR sa mga magsasaka ng Tinang.

Paano nangyaring dalawang grupo ang nagsasabing hawak nila ang CLOA? Sinabi ng kooperatibang ang lupa ay napaupahan o napaarenda nila, subalit wala naman itong maipakitang mga dokumento katulad ng lease contract. Nasa 400 ang miyembro daw ang koop, ngunit natuklasang ang mayoryang nagmamay-ari ay si mayor-elect Noel Villanueva ng Tarlac. Nang nag-uusap na ang dalawang kampo upang magkaroon ng kompromiso, hindi makapagdesisyon ang mga opisyales ng kooperatiba. Kailangan pa raw tanungin ng kanilang abogado ang principal client niyang si Ginoong Villanueva.

Hangarin ng repormang agraryo na ipamahagi sa maliliit na magsasaka ang lupang matagal na nilang sinasaka at pagyamanin ito para sa ikauunlad ng buhay nila at ng kanilang pamilya. Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang pribadong pag-aari—katulad ng lupa—ay may panlipunang aspeto. Ibig sabihin, ito ay dapat gamitin para sa kapakanan at kaginhawaan ng nakararami, hindi lamang ng iilan.

Sa ating bansa, napakaraming kasong hindi lamang iisa ang umaangkin sa lupang napasailalim sa repormang agraryo, at karaniwang nakakaharap ng mga magsasaka sa alitan sa lupa ay ang mga maykayang tao o malalaking kompanya. Sa kaso ng Hacienda Tinang, kahit ang organisayon ng kooperatiba kung saan ang lahat ng miyembro ang silang dapat nakikinabang at hindi ng may pinakamaraming pagmamay-ari ay ginamit na rin para sa pansariling interes ng iilan.

Maganda ang layunin ng repormang agraryo ngunit sadyang may mga handang baluktutin ang matuwid na pamamaraang ito para lamang makinabang ang mga iilang nakaririwasa at manatiling mahirap ang mga nasa laylayan katulad ng ating mga magsasaka. Salungat ito sa turo ni Hesus na magpalaganap ng kabutihan sa nakararami, lalo na sa mga kapus-palad. Sabi nga sa Mateo 5:4 at 9, “Pinagpala ang mga nagdadalamhati sapagkat aaliwin sila ng Diyos… Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan sapagkat sila’y ituturing na mga anak ng Diyos.”

Sa mga kaso ng alitan sa lupa, napakahirap tahakin ang daan patungong kapayapaan. Ngunit patuloy pa rin ang ating simbahan sa pagsulong sa kapayapaan. Sabi nga ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, ang tunay na kapayapaan at pagkakasundo ay makakamit sa pagbubuo ng isang lipunang nakabatay sa paglilingkod sa kapwa. Ang tunay na kapayapaan ay matatamo lamang sa ating pagsusumikap sa hustisya sa pamamagitan ng pakikipagdiyalogo, pakikipagsundo, at sa sama-samang paglago.

Bilang update, mga Kapanalig nagpiyansa at napalaya na noong isang Lunes, apat na araw mula sa kanilang pagkakaaaresto, ang mga magsasaka sa Tinang at kanilang mga taga-suportang nakulong. Nakatakda sa Biyernes ng linggong iyon ang arraignment at pre-trial conference. Subaybayan natin ang pangyayaring ito dahil salamin ang Hacienda Tinang ng malubha at malalim na hindi pagkakapantay-pantay sa ating lipunan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 3,446 total views

 3,446 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 9,419 total views

 9,419 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 15,174 total views

 15,174 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 22,437 total views

 22,437 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 30,422 total views

 30,422 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 3,447 total views

 3,447 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 9,420 total views

 9,420 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 15,175 total views

 15,175 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 22,438 total views

 22,438 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 30,423 total views

 30,423 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,267 total views

 35,267 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,271 total views

 47,271 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,313 total views

 55,313 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,870 total views

 46,870 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,295 total views

 45,295 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,081 total views

 47,081 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,006 total views

 44,006 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,320 total views

 58,320 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,010 total views

 62,010 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,613 total views

 60,613 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top