Ang Sitwasyon ng Fisheries Sector

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 437 total reads

Kapanalig, ang fisheries ay isa sa mga sektor na nahihirapan ngayon sa ating bansa. Patuloy na bumababa ang huli ng mga mangingisda, at patuloy din lumiliit ang kanilang kita.

Ayon sa opisyal na datos, ang produksyon ng sektor ay umabot ng 4,415 thousand metric tons nong 2019, bumaba ito sa 4,400 thousand metric tons noong 2020, at naging 4250.79 thousand metric tons na lamang nitong 2021. Ang naging growth ng sektor nitong nakalipas na tatlong taon ay pababa rin – 1.35 noong 2019, -0.3 noong 2020, hanggang naging -3.4% nitong 2021.

Ang sektor na ito, kung titingnan ang kanyang growth rate, ay naghihingalo na. Taon-taon, pababa ng pababa ang kanyang produksyon at marahil, magtutuloy-tuloy ang ganitong trend dahil malalaki ang mga hamon na hinaharap ng sektor.

Ang ating mga karagatan, kapanalig, ay overfished na, at inaagaw pa ng ng ibang bansa. May mga kaso rin ng illegal fishing. Nasisira na rin ang habitat o tirahan ng ating mga isda. At sa gitna ng lahat ng ito, tumataas din ang demand para sa isda.

Ang climate change ay isa rin sa pinaka-malaking problema ng mga mangingisda. Ang klima, kapanalig, ay isa sa pangunahing nagtatakda ng dami o populasyon ng isda. Ang pagbabago sa klima ay malaki ang epekto sa distribusyon at at produktibidad ng iba ibang species. At dahil isa ang ating bansa sa mga bulnerable sa climate change, nangaganib ang ating fisheries sector.

Ang mga problema ng sektor ay kailangang agarang harapin. Ang ating bansa ay isa sa mga mahalagang fishing countries sa buong mundo. Karaniwang nasa top 10 tayo sa buong mundo bilang producer ng marine capture.

Isang irony o kabalintunaan na kinikilala ang marine products natin sa buong mundo pero ang mga mangingisda ng bayan ay patuloy naman naghihirap. Tinatayang nasa P262 kada araw ang kinikita ng mangingisda – mas maliit pa sa minimum wage.

Ang maliit na kita na ito ay walang espasyo para sa resilience o para sa krisis, na katuwang na ng buhay mangingisda.  Kung nais natin iangat ang sektor kasama na ang manggagawa nito, kailangan natin tiyakin hindi lamang ang kanilang mas maayos na kita sa kasalukuyan, kundi pati ang sustainability ng sektor ng kanilang kinabibilangan.

Kapanalig, ang kahirapan sa fisheries sector ay nagiging cyclical na o umiikot na lamang. Namamana at naipapasa na ito sa buong pamilya. Kahit anong kayod, pahirap pa rin ng pahirap ang kanilang buhay. Ang “A Place at the Table” ng US Catholic Bishops ay may saktong paalala tungkol sa ganitong sitwasyon: Work should not leave people poor but should provide wages sufficient to achieve a standard of living that is in keeping with human dignity.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 225,397 total reads

 225,397 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,128 total reads

 257,128 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 358,952 total reads

 358,952 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 399,514 total reads

 399,514 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 411,090 total reads

 411,090 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 225,398 total reads

 225,398 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,129 total reads

 257,129 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 358,953 total reads

 358,953 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 399,515 total reads

 399,515 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top