CBCP, naninindigan laban sa “destructive mining”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 684 total reads

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang patuloy na paninindigan at pagtutol sa mapaminsalang industriya ng pagmimina sa bansa.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace na nananatiling matibay ang paninindigan ng kapulungan laban sa pagmimina na apektado hindi lamang ang kalikasan, kundi maging ang iba’t-ibang komunidad.

“Ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naglabas na ng kanilang pastoral letter on ecology at very clear – buo ang samahan ng mga Obispo ng Pilipinas na kontra sa tinatawag natin na destructive mining,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Nagpahayag rin ng pakikiisa ang Obispo sa panawagang amyendahan na ang Mining Act of 1995.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na ito’y upang muling masuri ang mga dapat baguhin sa batas na naaangkop sa kasalukuyang kalagayan ng kapaligiran, at mapigilan ang operasyon ng pagmimina.

Iginiit ng Obispo na sa halip na magdulot ng kaunlaran ay lalong paghihirap sa mamamayan ang nagiging epekto ng pagmimina.

“Nakikiisa kami sa panawagan na ‘yung Mining Act of 1995 ay dapat palitan na at amyendahan at tingnan ng mabuti ang ating sinusulong na Alternative Minerals and Management Bill,” saad ng Obispo.

Ginawa ng Obispo ang pahayag sa isinagawang Bike and March protest ng Alyansa Tigil Mina sa harapan ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources.

Nanawagan ang grupo sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at D-E-N-R na panagutan ang patuloy na pagpapahintulot sa iba’t-ibang proyekto na nagdudulot ng mas matinding pinsala sa kalikasan at paghihirap ng mga komunidad.

Naunang naglabas ng pastoral statement ang C-B-C-P hinggil sa paninindigan ng simbahan tungo sa wastong pangangalaga at pagsasabuhay ng ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalang Francisco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 226,539 total reads

 226,539 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 258,270 total reads

 258,270 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 360,094 total reads

 360,094 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 400,656 total reads

 400,656 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 412,113 total reads

 412,113 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,105 total reads

 143,105 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top