VeritasPH

The Word, The Truth

Ang tunay na tagumpay ng eleksyon

SHARE THE TRUTH

 455 total views

Mga Kapanalig, naging matagumpay nga ba ang eleksyon?

Iba’t iba ang naging opinyon tungkol sa naging resulta ng eleksyon, lalo na sa pagkasenador. Para sa mga tagasuporta ng administrasyon, malaking tagumpay ang pagkakapasok ng karamihan sa kaalyado ng pangulo sa Senado. Mapapadali raw nito ang pagsusulong ng pagbabagong ipinangako ng pangulo. Para naman sa mga kritiko ng administrasyon, ang pagkatalo ng mga kandidato ng oposisyon ay mangangahulugan ng isang Senado na sunud-sunuran sa ehekutibo. Kung hindi malaya ang Senado, walang kukuwestiyon sa mga patakaran ng administrasyong hindi makatao, hindi makamahirap, at hindi maka-Pilipino.

Sa lokal na halalan, may mga pumuná sa pananatili pa rin sa posisyon ng mga political dynasties katulad ng mga Binay sa Makati, Cayetano sa Taguig, Belmonte sa Quezon City, at Aguilar-Villar sa Las Piñas. Gayunman, may mga aninag ng liwanag sa lokal sa halalan dahil may ilang lungsod na hindi na pinili ang mga kandidato mula sa mga kilalang political dynasties. Nariyan ang pagkakatalo ng mga Estrada—mula kay dating Pangulong Erap sa Maynila hanggang sa kanyang mga anak at apo sa San Juan. Ikinagulat naman ng marami ang pagkakapanalo ng bagitong pulitikong si Vico Sotto bilang alkade ng Pasig, na hawak ng pamilyang Eusebio mula pa 1992.

Kung napakaraming kumandidato sa pagkasenador, may mga kandidato sa lokal na halalan ang tumakbong walang kalaban. Mahigit limang daang kandidato sa buong bansa ang uncontested o walang katunggali. Kabilang rito ang 50 kongresista, 200 na mayor, at 200 na vice-mayor. Ibig sabihin, mahigit 500 ang naluklok sa puwesto kahit sila lamang ang bumoto para sa kanilang sarili. Sa madaling sabi, may mga lugar na walang pinagpilian ang mga botante.

Malaki ang implikasyon sa ating bayan ng naging resulta ng nagdaang eleksyon—tungkol man ito sa pagkakaroon ng isang malayang Senado, sa pagtatagumpay o pagkakabigong wakasan ang mga political dynasties, o sa pagkakaluklok natin ng mga karapat-dapat na kandidato sa kabila ng kawalan ng pagpipilian. Tungkulin nilang buuin nila ang mga institusyon at mekanismong titiyak na makakamit nating mga mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan. Ngunit maliban sa mas maayos na paghahatid ng serbisyo-publiko, ang tagumpay ng eleksyon ay makikita natin kung lumago ba tayo bilang mga botante, lalo na tayong mga Kristiyanong nakikilahok sa pulitika sa pamamagitan ng pagboto.

Itinuturo sa atin ng panlipunang turo ng Simbahan na

Ang tunay na demokrasya ay hindi lamang bunga ng pagsunod sa mga batas o patakaran. Bagkus, bunga ito ng ating pagtanggap sa mga pinahahalagahan ng demokratikong proseso—ang dignidad ng bawat tao, paggalang sa karapatang pantao, at pagiging tapat sa layuning makamit natin ang kabutihang panlahat.

Mula sa mahabang panahon ng kampanya hanggang sa araw ng eleksyon, tanungin natin ang ating mga sarili: Mas naunawaan ba natin ang kahalagahan ng dignidad ng tao? Higit ba nating nalaman ang ating mga karapatan? Isinulong ba natin ang kabutihan ng lahat sa pamamagitan ng mga kandidatong ating ikinampanya at ibinoto?

Mga Kapanalig, may mga bahid ng anino at aninag ng liwanag ang kinalabasan ng katatapos lamang na halalan, ngunit ang mas malaking tanong ay kung ano ang sinasalamin nito tungkol sa ating mga pinahahalagahan at sa ating konsiyensya, na makailang ulit ipinaalala ng Simbahang maging batayan natin sa pagboto. Tunay lamang na magiging matagumpay ang isang eleksyon kung lumalago tayo bilang mga botante, kung natututo tayo sa ating mga pagkakamali, at kung ginagamit natin ang ating naging karanasan sa paglahok sa pulitika upang kumilos para sa mas makataong pamalahaan at, higit sa lahat, upang tayo ay maging mabuting tao sa ating kapwa at mabuting mamamayan ng ating bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 687 total views

 687 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 8,223 total views

 8,223 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 24,209 total views

 24,209 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 32,254 total views

 32,254 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 37,334 total views

 37,334 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 688 total views

 688 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 8,224 total views

 8,224 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 24,210 total views

 24,210 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 32,255 total views

 32,255 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 37,335 total views

 37,335 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 42,872 total views

 42,872 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,658 total views

 44,658 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,583 total views

 41,583 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,897 total views

 55,897 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,587 total views

 59,587 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,190 total views

 58,190 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,177 total views

 68,177 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,145 total views

 72,145 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,032 total views

 83,032 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,471 total views

 95,471 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top