Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archbishop Emeritus ng Lingayen-Dagupan, nagalak sa pagkakatalaga kay Bishop Macaraeg bilang bagong obispo Diocese of Tarlac

SHARE THE TRUTH

 278 total views

Ikinagalak ni dating Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President at Arsobispo Emerito ng Lingayen Dagupan, Archbishop Oscar Cruz ang pagkakatalaga ng kanyang kabanalan Francisco kay Msgr. Enrique Macaraeg bilang bagong Obispo ng Diocese of Tarlac.

Binabati ni Archbishop Cruz ang Diocese of Tarlac sa kanilang bagong obispo na isang mabait at responsableng pari.

“Natutuwa ako honest na siya ay naging obispo para ganun yung kanyang potentials, yung kanyang attribution ay lalong mapakinabangan ng simbahan. Maligayang bati sa kanya sa kanya’y aking panalangin at higit sa lahat nasa kanya ang aking paghanga. Sana po ay inyong tanggapin ng masaya sabi nga ay may palakpakan pa kung kailangan. Pagkat isa pong biyaya ang darating sa inyo, isang pari na matuwid ang buhay, matalino at higit sa lahat marunong mangasiwa. Samakatuwid, palakpakan ninyo, pasalamatan ninyo, magpasalamat kayo sa Panginoon,” bahagi ng pahayag ni Archbisop Cruz sa Radyo Veritas.

Ibinahagi rin ni Archbishop Cruz noong siya ay arsobispo pa ng Lingayen Dagupan ng halos labing – walong taon ay nakita niya na ang galing at potensiyal ni Msgr. Macaraeg sa pagpapastol bilang taga – pamahala ng mga eskwelahan doon.

“Kilalang – kilala ko yang si Bishop Chosen Macaraeg at yan ay isa sa mga pinaka–magaling na pari doon. Mabait ang pari na yan at higit sa lahat magaling sa administration pagkat siya ay naging taga–pamahala ng mga eskwela. Inaatasan ko rin minsan ng mga gawain na may kinalaman sa administrative skills,” giit pa arsobispo sa Veritas Patrol

.
Nanungkulan si Msgr. Macaraeg bilang Vicar General ng Archdiocese of Lingayen Dagupan, nabibilang na rin siya sa mahabang listahan ng mga Thomasian-Centralite Bishops.

Si Bishop–elect Macaraeg ang ikatalong obispo ng Diocese of Tarlac na siyang papalit sa kay Bishop Merito ng Tarlac na si Bishop Florentino Cinense na nanungkulan ng halos 28 taon sa naturang diyosesis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 39,802 total views

 39,802 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 55,890 total views

 55,890 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,378 total views

 93,378 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,329 total views

 104,329 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 64,367 total views

 64,367 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 90,182 total views

 90,182 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 130,737 total views

 130,737 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top