Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magtulungan na makamit ang kapayapaan para maligtas ang mga bata mula sa masamang epekto ng digmaan – obispo

SHARE THE TRUTH

 699 total views

Ikinalungkot ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang ulat ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na tinatayang 87 milyong mga bata sa buong mundo ang namumuhay sa kaguluhan.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, ang digmaan at kaguluhan ang malaking problemang kinakaharap ng mundo ngayon.

Aniya, mahalagang pahalagahan ng lahat ang pagsisikap na makamit ang kapayapaan upang mabawasan na ang karahasan at pangamba ng mga bata at pamilya na namumuhay sa takot dahil sa patuloy na kaguluhan.

“Nakikita nga natin na yun ang suliranin ng daigdig, walang kapayapaan at sa kani – kanilang mga bansa ay maroong kaguluhan. At dahil dito ang nagiging biktima ay yung mga kabataan, yung mga pamilya. Ito ay aral na rin ng pagbibigay ng kapayapaan sa daigdig. Ang digmaan ay walang maidudulot ng mabuti kundi pagkakasira, pagkakawatak – watak at pagkakahiwa – hiwalay ng tao at kasama na ang kapisalaan, kamatayan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Hiniling rin nito na kaakibat ng kapayapaan ang pagbibigay ng sapat na trabaho sa mga biktima ng digmaan upang matulungan sila mula sa trahedyang kanilang naranasan.

“Ang nararapat na tungkulin na dapat gawin sa kaguluhan ay kapayapaan, higit sa lahat ang kapayapaan ay magkaroon ng mabuting kalagayan higit sa lahat sa ikabubuhay ng tao ibigay ang trabaho sa bawat isa,” giit pa ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.

Sa Pilipinas, tinatayang nasa mahigit 3 milyong na ang internally displaced persons o IDPs dahil sa hidwaan sa Mindanao at halos P76 na bilyon na ang nagastos ng pamahalaan upang makamit lamang ang kapayapaan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 81,271 total views

 81,271 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 89,046 total views

 89,046 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 97,226 total views

 97,226 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 112,763 total views

 112,763 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 116,706 total views

 116,706 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 14,532 total views

 14,532 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 98,088 total views

 98,088 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,809 total views

 89,809 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top