Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Arsobispo sa mga pulitiko, huwag gamitin ang mahihirap at biktima ng kalamidad sa pangangampanya

SHARE THE TRUTH

 384 total views

‘Maruming pamumulitika.’ Ganito isinalarawan ni Catholic Bishops Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs Chairman at Lipa Archbishop Ramon Arguelles ang inilabas na comic book ng mga taga – suporta ni dating Interior secretary na ngayon ay Presidential Candidate na si Mar Roxas.

Ikinadismaya ni Archbishop Arguelles ang ganitong pamamaraan ng isang pulitiko na ibinibida ang kanyang sarili bilang bayani ngunit wala namang nagawa kundi nagpa photo ops lang.

“I think that is very critical at dirty politics na ginagamit dito, wala naman silang ginawa. Sapagkat noong pumunta nga doon, ayon kay Fr. Ramil, ay nagpa–photo op in the midst of misery when people are hungry katulad nitong comic nitong politician na kunwaring nagmamando pero walang ginawa,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Arguelles sa Radyo Veritas.

Ipinaalala rin ng arsobispo na ang pagkakawang – gawa ay hindi dapat pakitang tao kundi ito ay isang misyon na pagtugon sa mga nangangailangan.

“Kapag tumutulong ka gumagawa ka ng mabuti, kapatid mo ang tinutulungan mo kahit hindi mo kilala yan. Sapagkat meron tayong Diyos na common father natin. Hindi na natin antayin na mangyari yan, kaya kapag nangyari sa iba responsibilidad natin yan hindi sapagkat gusto nating maboto, hindi dahil gusto nating mapuri. We are not after recognition; we are just doing our duty as a fellow laborer in this world,” giit pa ni Archbishop Arguelles sa Veritas Patrol.

Nauna na ring sinabi ng Arsobispo na isa sila sa mga nangunang rumispondi sa tulong sa mga biktima ng Yolanda sa pangunguna ng Lipa Justice Mercy Legion na sa ngayon ay nakapagpatayo ng mahigit 200 kabahayan sa Barauen, Leyte.

Higit aniya sa naitulong nilang pabahay ay nagpapatuloy rin ang pagbibigay nila ng pangkabuhayan upang tuluyang makabangon ang mga Leytenos sa naturang kalamidad.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 25,871 total views

 25,871 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,958 total views

 41,958 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 79,621 total views

 79,621 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 90,572 total views

 90,572 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 63,562 total views

 63,562 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 89,377 total views

 89,377 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 130,107 total views

 130,107 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top