Archdiocese ng Manila, naalarma na sa umiiral na crisis of truth sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 295 total views

Naniniwala si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na nakaalarma na ang ‘crisis of truth’ na mayroon ang Pilipinas.

Ayon sa Obispo, tulad ng mensahe ni Pope Francis sa 52nd World Communication Day na may titulong ‘The Truth Will Set You Free; Journalism and Fake News for Peace’ nagkakaroon na ng pagkalito ang publiko sa katotohanan dahil na rin sa mga mapanglinlang na balita.

“Lumalaganap ang false news kaya ang mga tao ay naguguluhan kaya paano namin ngayon magiging klaro. Klaruhin natin sa mga tao ang mga pangyayari sa tingin ng ating pananampalataya,” ayon kay Bishop Pabillo.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, ito rin ang paksa ng inilabas na ‘circular letter’ ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagdiriwang ng ‘Solemnity of the Ascension’ na siyang dahilan ng ‘urgent meeting’ ng mga pari para pagnilayan at magkaroon ng iisang pagkilos hinggil dito.

“Nanawagan lang kami sa mga pari, kasi nagpalabas si Cardinal ng pastoral letter. So diniscuss namin ang pastoral letter at paano kami kikilos ngayon ayon sa pastoral letter. At nagbahagihan din sa aming mga damdamin at mga ideas about sa nangyayari sa bansa natin ngayon,” ayon kay Bishop Pabillo.

Read: Cardinal tagle calls for days of prayer, fasting and education for truth

Umaasa din ang Obispo na matapos ang pagninilay ng bawat isa ay magkaroon ng iisang gawain at programa ang simbahan para sa pagsusulong at pagsusuri ng katotohanan.

“May activity na gagawin mula sa May 20-21 at may pag-uusap ang vicariate so paanong lalabas sa pag-uusap tsaka didiretso, may pag-uusap pa rin na mangyayari. Depende kung ano ang paglalabas kung may ‘urgent’ na pangangailangan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Bukod kay Bishop Pabillo, dumalo sa pulong si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr; Australian Missionary Sr. Patricia Fox na kabilang sa 138 mga pari at relihiyoso mula sa Archdiocese of Manila na ginanap sa San Carlos Seminary.

Sa mensahe ni Cardinal Tagle, nagkakaroon ng kalituhan ang publiko sa katotohanan dahil na rin sa magkakaibang interpretasyon ng mga dalubhasa sa ‘Saligang Batas’ na siyang dahilan ng pagkakahati-hati ng mamamayan partikular na ang usapin ng ‘Quo Warranto’ na siyang ginamit na proseso sa pagpapatalsik sa posisyon kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ang ‘Gathering of the Clergy ng Archdiocese of Manila’ ay isang pagsisimula para sa panawagan ng pananalangin, pag-aayuno at muling pag-aaral kaugnay sa katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 64,532 total views

 64,532 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 64,532 total views

 64,532 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 64,532 total views

 64,532 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 62,551 total views

 62,551 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 57,143 total views

 57,143 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top