Archdiocese of Manila Clergy, isasailalim sa ibat-ibang “area of specialization”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 713 total reads

Misyon ng bagong arsobispo ng Maynila ang pagpapaunlad ng kasanayan at kaalaman ng mga pari sa Archdiocese of Manila.

Sa ikalawang pagkakataon bilang panauhin ng Barangay Simbayanan Pastoral visit on-the air sa Radyo Veritas ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, sinabi nitong ang mga pari ay hindi lamang kailangan sa mga parokya at mission stations kundi maging bahagi sa mga natatanging misyon ng simbahan.

“Hindi lamang itong mga kaparian sa ating mga parokya because we also have to prepare our priests para mag specialize on some areas so they will also send to further studies para sa ating mga seminary, schools,” ayon kay Cardial Advincula.

Tinukoy ni Cardinal Advincula ang pagbibigay ng tuon ng simbahan sa kasalukuyang pandemya kung saan kinakailangang tumugon sa pagbibigay ng gabay at pag-asa sa bawat mananampalataya lalu na sa ‘mental health’.

Ayon kay Cardinal Avincula, kailangan din ang mga pari na ilalaan ang sarili sa iba’t-ibang larangan.

“Kailangan natin ng mga pari na will dedicate themselves sa mga areas like Psychology, Counseling, interventions. Lalu ngayong pandemic, nakita natin na kailangan talaga na may mga pari rin tayo sa mga different areas of specialiazation.”paglilinaw ng Kardinal

Naniniwala ang simbahan na bukod sa pangangailangan sa pagkain at kabuhayan ay mahalagang bigyang tuon sa kasalukuyang pandemya ang spiritual at mental health ng publiko lalu na sa mga umiiral na community quarantines.


Sa kasalukuyan ay nanatili ang buong Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine o ang pinakamahigpit na panuntunan dulot na rin ng mataas na bilang ng mga nahahawaan ng novel coronavirus.
Nagpapasalamat din si Cardinal Advincula sa tulong ng mga pari mula sa iba’t-ibang kongregasyon na naglalaan ng kanilang panahon at kakayahan para tumulong sa simbahan kasama ang mga diyosesanong pari ng Maynila.

Ang arkidiyosesis ng Maynila ay binubuo ng may 700 mga pari kasama na ang 400 pari mula iba’t ibang kongregasyon para pangasiwaan ang 90 mga parokya na may kabuuang tatlong milyong populasyon ng mga katoliko.

Unang sinabi ni Cardinal Advincula ang pagtatayo ng mga mission stations na pangangasiwaan ng mga mas batang pari dahil sa laki ng populasyon na saklaw ng isang parokya.

Ayon sa Kardinal, may maliit na parokya ang arkidiyosesis na nakakasakop sa 80 libong bilang mananampalataya

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 277 total reads

 277 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,768 total reads

 38,768 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 265,040 total reads

 265,040 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,505 total reads

 158,505 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,521 total reads

 252,521 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top