Archdiocese of Manila, iiwanan ni Cardinal Tagle.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 373 total reads

Sa pagkakatalaga ni Pope Francis kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bilang Prefect of the Congregation for the Evanglization of People’s o kilala rin bilang Prefect of the Propaganda Fide ay inaasahang iiwan na niya ang Archdiocese ng Manila.

Ayon kay Fr. Greg Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filipino at correspondent ng Radio Veritas sa Roma, ang bagong tungkulin ni Cardinal Tagle ay nakabase sa Roma at nakasasakop sa mas malaking responsibilidad na paghahayag ng pananampalataya at ng misyon ng simbahan sa buong mundo.

“Ibig sabihin dito na siya titira ngayon sa Vatican. Sa Rome, wala naman siyang bilocation. Kaya ipagdasal natin siya sa kaniyang bagong tahanan sa Roma,” ayon kay Fr. Gaston sa panayam ng Radio Veritas.

Papalitan ni Cardinal Tagle si Cardinal Fernando Filoni na nangasiwa sa kongresasyon simula noong 2011 na itinalaga ni Pope Francis bilang Grand Master ng Order of the Holy Sepulcher.

Bukod sa bagong posisyon, si Cardinal Tagle ang siya ring pangulo ng Caritas Internationalis at Catholic Biblical Federation.

“Depende na ‘yan sa Santo Papa, puwede naman yan na ituloy nya, unless ang Santo Papa ay maglagay ng mga bagong in-charge,” dagdag pa Fr. Gaston.

Ang Vatican ay may pangunahing 9 na kongregasyon na maihahatulad bilang ‘cabinet position’ kasama na dito ang tanggapan ng evangelization of peoples.

Si Cardinal Tagle ang ika-32 arsobispo ng Maynila na una na ring nagsilbi bilang obispo ng Imus.

Itinalaga bilang Cardinal taong 2012 ng noo’y si Pope Benedict XVI.

Ang Congregation for the Evangelization of Peoples ang nangangasiwa sa pagpapalaganap ng pananampalataya sa buong mundo na itinatag noong 1622 ni Pope Gregory XV.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 13,650 total reads

 13,650 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 50,866 total reads

 50,866 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 277,136 total reads

 277,136 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 170,603 total reads

 170,603 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 263,949 total reads

 263,949 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 4,486 total reads

 4,486 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top