Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Arsobispo, dismayado sa pananaig ng political dynasties sa 2025 midterm election

SHARE THE TRUTH

 17,277 total views

Nagpapasalamat ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa lahat ng mga aktibong nakilahok at tumulong sa katatapos lamang na araw ng halalan kabilang na ang mga kabataan.

Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth, mahalagang kilalanin ang aktibong partisipasyon ng mga botante at nang lahat ng mga tumulong sa pangangasiwa sa kabuuang proseso ng halalan sa bansa.

Paliwanag ng Arsobispo, ang halalan ay isang paraan ng pagtataguyod sa bansa kaya naman sadyang kinakailangan ng mga handang magsakripisyo at magbahagi ng kanilang panahon at lakas upang matiyak ang kaayusan, katapatan at kapayapaan ng halalan.

“Pasasalamat sa lahat ng nakilahok at tumulong sa Halalan. Ang pagtataguyod ng bansa ay nangyayari hindi lamang sa isang eleksyon, bagkus sa bawat eleksyon. Kaya sana huwag tayong mapapagod magsakripisyo at mag-ambag bawat eleksyon.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Alarcon sa Radyo Veritas.

Dismayado naman si Archbishop Alarcon sa patuloy na pananaig ng political dynasty sa bansa kung saan mas higit na nananaig ang pansariling interes ng mga pamilya at angkan sa posisyon at kapangyarihan sa pamahalaan.

Giit ng Arsobispo, dapat na tandaan ng bawat isa na mas matimbang ang konkretong paggawa at pagpapamalas ng tunay na serbisyo publiko kumpara sa anumang pangako ng sinumang mga kandidato.

“Nakakalungkot lang na tila hindi na kultura ng paglilingkod at pag-ambag ang nananaig, kundi ng personal na interes o interes ng grupo o pamilya. Let us remember: one concrete good act is of much more value than a thousand promises.” Dagdag pa ni Archbishop Alarcon.

Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) 63% sa mahigit 69.6 na milyong mga rehistradong botante ang mga maituturing na kabataan na kinabibilangan ng mga Gen Z at Millennials na nasa eedad 18-taong gulang hanggang 44-taong gulang.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 14,372 total views

 14,372 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 34,309 total views

 34,309 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,569 total views

 51,569 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 65,096 total views

 65,096 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,676 total views

 81,676 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,800 total views

 7,800 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 20,211 total views

 20,211 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 27,226 total views

 27,226 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top