10,657 total views
Nagpaabot ng mensahe ng pag-asa at pagkakaisa si Ozamis Archbishop Martin Jumoad kaugnay ng katatapos lamang na halalan sa taong 2025. Binigyang-diin ng arsobispo ang kahalagahan ng paggamit ng karapatang bumoto at ang pagtanggap sa kalooban ng nakararami.
“I am happy with this exercise of our right to choose our Leaders. Those whom we voted for, manifest our truest values in life,” ani Archbishop Jumoad, kasabay ng pasasalamat sa mapayapang halalan at aktibong pakikilahok ng mga mamamayan.
Hinimok din ng arsobispo ang lahat na igalang ang resulta ng eleksyon, anuman ang naging kinalabasan. “Let us respect the results of this election. To the winners, congratulations! To the losers, accept the verdict of the people,” dagdag pa niya.
Bilang tagapagturo ng pananampalataya at kabutihang asal, pinaalalahanan ni Archbishop Jumoad ang mga nahalal na opisyal na pairalin ang katapatan at sinseridad sa kanilang panunungkulan. “May the winners always uphold honesty and sincerity as they perform their post as elected officials of the Land.”
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, muling nanawagan si Archbishop Jumoad para sa pagkakaisa at pagmamahal sa bayan: “Let us be good citizens of our country. Mabuhay ang Pilipinas.”