PPCRV volunteers, kinilala at pinasasalamatan

SHARE THE TRUTH

 13,644 total views

Nagpaabot ng pasasalamat si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa lahat ng PPCRV volunteers ng diyosesis na masigasig na naglingkod at nagbantay sa katatapos lamang na 2025 Midterm National and Local Elections.

Ayon sa Obispo, kahanga-hanga ang kahandaang maglingkod, at pagmamahal sa bayan ng mga PPCRV volunteer na handang mag-alay ng kanilang panahon at lakas upang matiyak ang katapatan, kaayusan at kapayapaan ng halalan.

Paliwanag ni Bishop Uy, mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga PPCRCV volunteers upang patuloy na matiyak ang pag-iral ng demokrasya ng bansa sa pamamagitan ng pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan.

”DAGHANG SALAMAT, PPCRV VOLUNTEERS! Your commitment and love for honest, orderly, and peaceful elections truly shine. You came prepared, you gave your time, and until now, you’re still there — faithfully serving. We are deeply grateful for your selfless dedication to our democracy.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Uy.

Una binigyang diin ni Bishop Uy na ang halalan ay hindi lamang isang simpleng gawaing pulitikal sa halip ay isang mahalagang pagkakataon para sa bawat mamamayan upang iprayoridad ang kapakanan at kinabukasan ng bayan na isang pagkakataon rin upang isulong ng bawat mamamayan ang isang lipunan kung saan namamayani ang katarungan, kapayapaan, katotohanan at pagmamalasakitan.

Batay sa tala ng COMELEC, mahigit 18,200 mga posisyon ang kinakailangan ihalal sa pambansa at pang-lokal na posisyon sa pamahalaan na kinabibilangan ng 12-senador, mga partylist representatives, congressional district representatives, governor, mayor, sangguniang bayan member at iba pa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 12,736 total views

 12,736 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 27,380 total views

 27,380 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 41,682 total views

 41,682 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 58,390 total views

 58,390 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,322 total views

 104,322 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top