309 total views
Ipinagmamalaki ng CBCP – Episcopal Commission on Pastoral Care for Migrant and Itinerant People si Yolanda Pascual o mas kilala bilang Auntie Yolly, ang Filipina nanny ng Olympic gold medalist na si Joseph Schooling ng Singapore.
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng kumisyon, ikinagagalak ng kanilang komisyon ang pagkilala kay Pascual bilang isang masigasig na domestic helper sa Singapore na siya ring ipinagpapasalamat ng pamilya Schooling.
“The CBCP ECMI is heartened by the recognition given by the Olympics swimming gold medalist Joseph Schooling on our kababayan Yolanda Pascual who has been caring for him and his family for almost 2 decades. He has acknowledged that her services and dedication to them contributed to what he is now an Olympic gold medalist,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam Veritas Patrol.
Sinabi pa ni Bishop Santos na larawan si Pascual ng tunay na mukha ng mga migranteng Pinoy na nagbibigay ng kanilang dedikasyon sa trabaho.
Nagpa – abot rin ng pasasalamat ang obispo sa Schooling family sa pagmamahal at pagturing na kaanak kay Pascual.
“Yolanda is the face of the true Filipino, hardworking, dedicated, loyal and caring. They bring their family values even in their work, showing them love and nurturing in the children they care for confidence and good traits. We thank the employers who repay our OFWs with the same respect and regard, and in the case of Schooling, the same affection that our OFWs give them,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Magugunita na kinilala si Yaya Yolly ng isang telecommunications company sa Singapore noong nakaraang taon dahilsa pagmamahal pag –aalaga niya kay Schooling ng matalo nito si Michael Phelps sa 100-meter butterfly competition sa Rio Olympics.