290 total views
Nanawagan si Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma – Convenor ng Climate Change Congress of the Philippines na gawing prayoridad ang pangangalaga sa kalikasan.
Ayon sa Arsobispo, ang ating kapaligiran ang pinakamalaking bahagi ng komunidad sa pagkat dito nagmumula ang pang-araw araw na ikinabubuhay ng bawat tao.
Dagdag pa ni Archbishop Ledesma, dapat tutukan ang pagprotekta sa ating kalikasan dahil dito nakasalalay ang magiging buhay ng ng susunod na henerasyon.
“Dapat mabigyan ng prayoridad itong ating proteksyon [sa] kalikasan sapagkat ito ang pinaka mahalagang bagay sa ating komunidad, titingnan natin ang natural conservation of the environment lalong lalo na for the next generations natin dito,”pahayag ni Archbishop Ledesma sa Radio Veritas.
Batay sa National Disaster Risk Reduction Management Council umabot na sa 70,665 na indibidwal ang naapektuhan ng malakas na pag ulan dulot ng South west monsoon nito lamang nakaraang linggo dahil sa itinuturing na epekto ng climate change.
Ayon sa Laudato Si ni Pope Francis, ipinaalala nitong dapat pag-ibayuhin ng tao ang pangangalaga sa kalikasan dahil kung mag papatuloy ang pagkasira ng kapaligiran ay mga tao rin ang magiging biktima ng mga kalamidad na idudulot nito.