News:

AWA AT PAG-UNAWA

SHARE THE TRUTH

 5,438 total views

Homiliya para sa Huwebes sa Ika-24 na Linggo ng Karaniwang Panahon, Kapistahan ni San Mateo, ika-21 ng Setyembre, 2023, Mt 9:9–1

“Birds of the same feathers flock together.” Ang mga ibon daw na magkakulay ang pakpak at balahibo ay nagkukumpol. Ganito ang simpleng paliwanag ng mga taong judgmental o mapanghusga sa kapwa. Nakikilala daw ang tao sa mga tipo ng tao na kanyang pinakikisamahan.

Kaya pala ang Salmo Uno, ang pinakauna sa 150ng Salmo sa Bibliya ay may sinasabing ganito: “Mapalad ang taong hindi nakikihalubilo sa mga makasalanan…”

Totoo naman, di ba, lalo na sa mga magulang na mag-worry tungkol sa mga nakaka-barkada ng mga anak nila. Sa mas modernong Tagalog, KATROPA. Siyempre, sino bang magulang ang gustong mapalapit ang mga anak nila sa mga “bad influence”? Sigurado ako, kahit sina Mama Mary at St. Joseph, pinagsabihan din si Jesus na lumayo o umiwas sa mga “bad influence” noong bata pa lang siya.

Pero kung may “bad influence”, meron ding “good influence,” di ba? Minsan, ang mga batang dating pasaway ay pwedeng magbago ang ugali dahil pinalad na magkaroon ng kaibigan na good influence. Totoo naman na malaking factor ang environment sa formation ng karakter ng isang tao, di ba?

Itong pagbasa natin, ito daw ang bumago sa attitude ni Jorge Mario Bergoglio noong kabataan pa siya. Ang ginamit niyang motto at isinulat niya a kanyang coat of arms bilang obispo ay galing sa isang homily ni San Beda tungkol sa conversion ni San Mateo: MISERANDO ATQUE ELIGENDO. Marami nang mga painters ang nagpinta ng eksena ng “call at conversion” ni Mateo na kumuha ng inspirasyon sa Gospel reading natin ngayon; sa isang Interpretation ng pintor kitang-kita sa expression ng mukha ni Mateo ang pagkagulat nang imbitahan siya ni Hesus na samahan siya sa isang handaan. Nakaturo sa sarili, nakanganga at nakataas ang mga kilay na para bang nagsasabing, “Ako?” At lalong nabigla nang sabihan siya, “Oo, ikaw.”

Kaya ganyan din ang reaksyon ng mga nakakita, lalo na ng mga Pariseo. Masama kasi talaga ang reputasyon ng mga tax-collector na naniningil ng buwis para sa gubyerno ng mga Romans. Ano ba ang itatawag nila sa mga taong gumagawa ng masama? Edi “masamang tao?” Dito kakaiba si Hesus ng Nazareth. Walang masamang tao para sa kanya, gaano man kasama ang pwedeng magawa nito.

Mukhang kung merong hindi natutunan si Hesus sa kanyang mga magulang, ito ay ang “mangahon ng kapwa tao.” Magandang expression ito para sa ugaling mapanghusga: para bang ikinahon mo na ang buong pagkatao ng tao batay sa anumang masama na nagawa niya.

Natatawa ako sa English translation ng MISERANDO: “seeing him with the eyes of mercy…” Tiningnan daw si Mateo mula sa mata ng awa, habang siya naman ay tiningnan mula sa mata ng panghuhusga o pangangahon.

Mas maganda ang Tagalog dito. Ang Tagalog ng Mercy at Understanding ay magkaugnay kaagad: AWA at UNAWA. Mas naiiintindihan natin ang kapwa tao, kapag sa pagtingin natin sa kanila, hindi panghuhusga kundi awa ang inuuna. Kaya pala MAPAG-UNAWA ang tawag natin sa mga taong marunong umintindi sa kalagayan ng kapwa.

Minsan, para tayong baliw na nagsusuot pa rin ng shades o sunglasses kahit gabi na. Tapos magtataka ka kung bakit madilim ang nakikita mo? Alisin ang salamin para makita talaga ang tunay na anyo ng tinitingnan.

Sa mata ng mga Pariseo, ang nakita kay Mateo ay masamang tao. Sa mata ni Hesus, ang nakita niya ay isang potensyal na Santo. Hindi lang siya nasama sa 12 apostol; nasama rin siya sa apat na ebanghelista. Mga katropa ng Anak ng Diyos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang Internet at Ebanghelyo

 7,582 total views

 7,582 total views Sa pagpasok ng digital age, ang internet at social media ay naging makapangyarihang kasangkapan ng komunikasyon. Binuksan nito ang panibagong mundo sa ating lahat, at ginawang global citizens ang mga tao sa buong mundo. Ang isang click lamang natin ay malayo ang maabot sa Internet. Ang internet kapanalig, ay naging katuwang na rin

Read More »

Online shopping

 23,717 total views

 23,717 total views Nalalapit na naman ang pasko, at para sa mga Pilipino, ito rin ay panahon ng regalo. At kung dati rati ay sa shopping malls at tiangge ang punta ng tao, ngayon, may bagong option na tayo, ang online shopping. Napakarami na sa atin ang nag-o-online shopping na ngayon. Mas convenient na kasi, at

Read More »

Mental health sa kabataan

 39,951 total views

 39,951 total views Mga Kapanalig, may panukalang batas ngayon sa Senado na layong magtatag ng isang school-based mental health program. Kung maisasabatas ang Senate Bill 2200 o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act na iniakda ni Senador Sherwin Gatchalian, magkakaroon ang bawat pampublikong paaralan ng tinatawag na “care center”. Para mangyari ito, paliwanag

Read More »

Sakripisyo ng mga OFW

 55,782 total views

 55,782 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagdalo niya sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit na ginanap sa San Francisco ngayong buwan, nakipagkita si Pangulong Bongbong Marcos, Jr sa mga kababayan nating OFW sa Amerika. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng pangulo ang mga kababayan nating nagtatrabaho o nakatira na roon sa Amerika. Malaking tulong daw ang mga

Read More »

VIP treatment na naman

 68,153 total views

 68,153 total views Mga Kapanalig, parang eksena sa pinagbibidahan niyang pelikula ang pananabón ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr kay MMDA Task Force Special Operations Unit head Edison “Bong” Nebrija.  Nangyari ito nang pumunta si Nebrija at si acting MMDA Chairman Romando Artes sa Senado upang humingi ng tawad sa senador. Sinabi kasi ni Nebrija, batay

Read More »

Watch Live

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BALITANG PABULONG

 260 total views

 260 total views Feast of St Andrew, Nov 30 2023, Mt 4:18-22 “Protokletos” ang tawag kay San Andres ng mga Eastern Catholics at Orthodox Christians—ibig sabihin ang “Kauna-unahang Alagad” na tinawag at sumunod kay Hesus. Isa sa pinakaimportanteng karakter si San Andres para sa kanila. Kung Rome ang naging sentro ng western Catholicism, Constantinople naman ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PARABLE OF THE TRUSTEES

 3,568 total views

 3,568 total views Homily for the 33rd Sunday in Ordinary Time, 19 November 2023, Mt 25:14-30 Mula nang naging bishop ako, I have been invited to become a BOT (Board of Trustees) member of so many corporations and foundations. These entities have a legal personality to own resources, both solid and liquid assets according to Philippine

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NO LOOKING BACK

 3,544 total views

 3,544 total views Homily for Friday of the 32nd Wk in Ordinary Time, 17 Nov 2023, Lk 17:26-37 I wonder if you ever pay attention to the briefing routinely given by the flight crew in all airlines before departure. Part of it is actually a set of do’s and don’ts in case the airplane is forced

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAAGAP, MARUNONG

 3,566 total views

 3,566 total views Homiliya para sa ika-32 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Nov 2023, Mat 25:1-13 Isa sa pinaka-importanteng simbolo sa binyag, bukod sa tubig, ay ang ilaw. May parte sa ritwal ng binyag na sisindihan ng pari ang kandila mula sa Paschal candle at ibibigay sa bibinyagan o sa ninong kung musmos pa ang bibinyagan.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

UTANG NA LOOB

 2,207 total views

 2,207 total views Homily for Fri of the 31st Wk in Ordinary Time, 10 Nov 2023, Lk 16:1-8 How do you say “utang na loob” in English? You don’t translate it literally; otherwise it makes no sense. Rather, you look for a dynamic equivalent—like a “debt of gratitude.” Depending on the usage, it can be a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG BAGONG TEMPLO

 3,570 total views

 3,570 total views Homiliya Para sa Kapistahan ng Basilica ng San Juan de Lateran, 9 Nobyembre, Juan 2:13-22 Bakit natin ipinagdiriwang ang araw na ito ng “Dedication of the Basilica of St. John Lateran“? Ano ba ang relasyon natin sa simbahang ito? Ito ang pinaka-“mother church” natin at ng lahat ng mga simbahang Katolika sa buong

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RENOUNCE NOT DENOUNCE

 3,570 total views

 3,570 total views Homily for Wed of the 31st Wk in OT, 8 Nov 2023, Lk 14:25-33 For most Filipinos who love family dearly this Gospel text is very hard to swallow. How could Jesus, who taught us nothing but love, teach us to hate family? There is however a background to this text that will

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ADORATION AND SERVICE

 5,334 total views

 5,334 total views Homily for the Centenary of the Holy Spirit Adoration Sisters (Pink Sisters), Tagaytay City, 31st Sunday in Ordinary Time, 05 November 2023, Matthew 23:1-12 My reflection this morning will take its inspiration from that concluding homily Pope Francis delivered at the closing of the first session of the Synod on Synodality last October

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PATAS

 5,645 total views

 5,645 total views Homily for 25th Sun in OT, 24 Sept 2023, Mt20:-16a Sa Tagalog, iba pala ang meaning ng PAREHAS sa PATAS. Pwedeng parehas ang laban pero hindi patas. Pero ang dalawang salitang ito ay concerned lang sa isang bagay: DAPAT PANTAY. Halimbawa, may tatlong bata, magkakaiba sila ng height: maliit, katamtaman at matangkad. Gusto

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

JUDITH

 5,433 total views

 5,433 total views Ika-24 Linggo ng Karaniwang Panahon, 17 Setyembre 2023, Mat 18:21-35 Minsan may nagtanong sa akin na isang knock-knock joke. Di ko na-pick-up. Sabi niya, “Knock knock po bishop.” Sagot ko, “Who’s there?” Sabi niya, “Magbayad na po kayo agad ng electric bill nyo.” Sagot ko, “Bakit?” Sabi niya, “E Judith na po.” Nagtawanan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SA NGALAN NI HESUS

 6,064 total views

 6,064 total views Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Setyembre 2023, Mat 18,15-20 Dati, pag sinabing “simbahan” ang tinutukoy natin ay gusali kung saan nagsisimba. Buti na Iang ngayon, mas alam na natin na ang simbahan pala ay tayo—ang sambayanang nagkakatipon. Pero kulang pa iyon—dahil hindi pa rin ang pagtitipon ang bumubuo sa simbahan. Ang orihinal

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“LEVELLING”

 5,859 total views

 5,859 total views Homiliya para sa ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon, 3 Setyembre 2023, Mat 16:21-27 Medyo malakas ang dating ng himutok ni prophet Jeremiah sa ating first reading ngayon. Nakakabigla. Sabi ba naman niya, “Niloko mo ako, Panginoon. At nagpaloko naman ako sa iyo.” Wow. Kaya nyo bang magsalita ng ganoon sa Diyos? Sa mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HONOR CHRIST’S BODY?

 5,982 total views

 5,982 total views (This homily was delivered by St. John Chrysostom more than 1,600 years ago. It still rings true today as it did back then.) Homily on Matthew by Saint John Chrysostom, bishop, from the Office of tge Readings for Sept 2, 2023 (Hom. 50:3-4: PG 58, 508-509) “Do you want to honor Christ’s body?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKAPAGTATAKA

 5,849 total views

 5,849 total views Homiliya para sa Biyernes, ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, Parokya ni San Roque ng Bagumbayan, QC, 1 Setyembre 2023, Mat 25, 1-13 Talinghaga ito. “Parable” sa Ingles. Hindi po ito tungkol sa literal na langis at lampara. Kung ganoon, tungkol saan ito? Tungkol daw sa paghahari ng Diyos na inihahambing sa pagsalubong sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKO ANG BAHALA

 7,646 total views

 7,646 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Ika-21 Linggo ng Karaniang Panahon, 31 Agosto 2023, Mt 24:42-51 Noong nakaraang taon, may ibinigay akong homily tungkol sa BAHALA NA. Ngayon, tungkol naman sa AKO ANG BAHALA. Paano tayo humahantong sa AKO ANG BAHALA mula sa BAHALA NA? Ito ang puntong pagnilayan natin base sa ating mga

Read More »

Latest Blogs