Awit panalangin,hindi nagtatapos sa loob ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 680 total views

Hindi dapat nagtatapos sa misa ang awit panalangin sa loob ng simbahan.

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa ginanap na ‘Prayer Through Music: a Recollection concert na ginanap sa Manila Cathedral.

Hinihikayat ni Cardinal Tagle ang bawat isa na aktibong nakikibahagi sa pag awit sa misa na ipagpatuloy ang pagmimisyon sa simbahan sa pagbibigay malasakit sa kapwa.

Ang pag awit ayon kay Cardinal Tagle sa paraan ng pagdarasal ay bilang pagkilala sa may likha na higit na nakakaalam at makapangyarihan.

Bukod kay Cardinal Tagle nagbahagi rin ng kanilang pagninilay sina Fr. Reginal Malicdem, rector ng Manila Cathedral sa temang ‘Singing as Prayer’; at Fr. Manoling Francisco SJ sa paksa namang Union of Hearts and Voices.

Ayon kay Fr. Malicdem ang musika ay paraan ng paghahayag ng damdadamin ng mga Filipino at isang taimtim na pagdarasal sa paraan ng musika.

Dagdag pa ng pari ang pangunahing alituntuin ng liturgical music ay ang pagpapabanal ng mga mananampalataya at pagpupuri sa Panginoon.

Inawit din ni Cardinal Tagle ang ‘Hesus na Aking Kapatid’ kasama ang Tulay ng Kabataan choir sa libreng konsyerto na dinaluhan ng may 2,500 katao.

Kabilang din sa mga nagtanghal sa free concert sa Manila Cathedral ang Manila Cathedral-Basilica Choir at ilan pang performers tulad nina Rachele Gerodias (Soprano); Jose Augusto Bernas (Treble), violinist na si LaDonna Taylor; Bukas Palad Music Ministry, Hangad, St. Mary’s Academy-Pasay Vocal Group, organist na si Alejandro Consolacion II, Tulay ng Kabataan Choir at St. Cecilia Chamber Orchestra.

Ang pagdiriwang ay kasabay na rin ng ika-7 taon ng Manila Cathedral Pipe Organ concert at ika-50 taon ng Musicam Sacram-ito ay isang dokumento ng simbahan hinggil sa liturgical music bilang paraan ng pagdarasal sa pamamagitan ng musika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 85,373 total views

 85,373 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 85,373 total views

 85,373 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 85,373 total views

 85,373 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 82,802 total views

 82,802 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 75,599 total views

 75,599 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top