Audit at intervention sa mga petty crimes, inilunsad ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 424 total reads

May mga kasong nangangailangan lamang ng dayalogo sa pagitan ng magkabilang panig upang maresolba at hindi na umabot pa sa pagkakakulong.

Ito ang pagbabahagi ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari – Chairman of CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education kaugnay sa programa ng diyosesis sa pag-o-audit at pagtulong sa ilang mga kaso na maari pang maayos sa pamamagitan ng pag-uusap at pagkakasundo ng magkabilang panig.

Ayon sa Obispo, may ilang mga kasong natulungan ang kanilang diyosesis kung saan tuluyan ng inurong ahil sa pag-uusap at pagkakasundo.

“With us meron po kaming mga workers sa parokya na naglalakad po, especially inaalam talaga yung mga kaso ng mga kapatid natin ino-audit, at masaya ako kasi madami po yung nagpafacilitate, napapalabas nila sa kulungan dahil wala naman pong talagang ganun kabigat na kasalanan kung minsan mayroong mga cases kailangan lang i-facilitate yung dialogue dun sa offended party at after facilitating yung dialogue yun nga nagiging daan para mapatawad nung offended party at iurong na yung kaso…” pahayag ni Bishop Mallari sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, naniniwala ang National Union of People’s Lawyer na dahil sa kahirapan at kakulangan sa kaalaman sa kanilang mga karapatan kayat maraming mga bilanggo ang hindi na naipaglalaban ang sarili mula sa mga akusasyon at kaso sa hukuman.

Sa kasalukuyan batay sa tala ng Bureau of Jail Management and Penology, umaabot na sa higit 100-libo ang bilang ng mga bilango sa higit 400 kulungan sa buong bansa na nakalaan lamang para sa 26-na-libong inmates.

Lumalabas na halos 80-porsyento ng mga bilanggo sa bansa ay labis sa kapasidad ng mga kulungan.

Samantala, bukod sa parusang kamatayan ay unang nagpahayag ng hindi pagsang-ayon ang Kanyang Kabanalan Francisco sa hatol na habang buhay na pagkabilanggo na labag sa dignidad ng tao at pagkakataong muling makapagbago.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 15,515 total reads

 15,515 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 74,361 total reads

 74,361 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 159,728 total reads

 159,728 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 206,464 total reads

 206,464 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 254,335 total reads

 254,335 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 354,663 total reads

 354,663 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top