“Sumuko na kayo”, PDEA sa mga drug user

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 564 total reads

Ito ang maigting na panawagan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga drug addicts sa bansa na natatakot at nag-aalinlangan pang sumuko sa pamahalaan.

Ayon kay PDEA Deputy Director General for Administration Jesus Fajardo, bukas ang ahensya sa pagtanggap ng mga indibidwal na nalulong sa droga ngunit nais na magbago.

Sinabi ni Fajardo na mula sa rehabilitasyon hanggang sa paghahanap ng trabaho ay sasagutin ng PDEA ang lahat ng pangangailangan ng mga susukong drug addicts sa tulong na rin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang law enforcement agencies.

“Magbago na tayo, sumuko tayo at tutulungan namin kayo na ibigay do’n sa agency kung saan nandoon ang rehabilitation at reintegration and hopefully at the end of the day sabi ko nga hanggang sa paghahanap ng trabaho… Kung sino pa yung nand’yan [na drug addict] huwag kayong matakot. Pumunta kayo sa PDEA o any regional office ng PDEA at makakaasa sila na sila ay tutulungan ng aming mga agents doon sa pupuntahan nila,” paghihikayat ni Fajardo.

Kaugnay nito, inamin ni Fajardo na malaking hamon para sa kanila ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PDEA bilang tanging ahensya na mangangasiwa sa mga drug operations ng gobyerno kasabay ng pangakong gagawin nila ang lahat ng makakaya upang hindi biguin ang atas ng Pangulo.

Sa tala ng PDEA, 51-porsiyento sa mahigit na 40-libong barangay sa buong bansa ang sinasabing apektado ng iligal na droga kung saan 3,534 na sa mga ito ang nagalugad na ng ahensya.

Samantala upang patunayan na malinis ang mga isinasagawang operasyon ng PDEA ay inaayayahan ni Fajardo ang media na sumama sa kanilang mga susunod na aktibidad.

Una nang inihalintulad ng Kanyang Kabanalan Francisco sa bagong uri ng pang-aalipin ang drug addiction na dapat tugunan ng bawat bansa sa pamamagitan ng edukasyon at rehabilitasyon.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 15,489 total reads

 15,489 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 74,322 total reads

 74,322 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 159,689 total reads

 159,689 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 206,425 total reads

 206,425 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 254,296 total reads

 254,296 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 354,627 total reads

 354,627 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 314,172 total reads

 314,172 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 420,268 total reads

 420,268 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top