VeritasPH

The Word, The Truth

 201 total views

Mga Kapanalig, hindi natin pangkaraniwang naiisip na may kakaibang mga panganib na kinakaharap ang mga kababaihang naakusahan o kaya ay napatutunayang lumabag sa batas. Oo nga’t alam nating mayroon tayong mga pasilidad kung saan ipinipiit ang mga babaeng naaresto, naghihintay ng sentensya, o nasentensiyahan na. Ngunit alam ba nating ang sistemang pangkatarungan o justice system ay isa sa mga institusyon kung saan malalim ang hindi pagkakapantay ng mga babae at lalaki?

Bagamat hindi marami, tumataas ang bilang ng mga tinaguriang women in conflict with the law o mga babaeng may suliranin sa batas sa buong mundo, at malamang ay ganoon din sa ating bansa.  Ayon sa UN Special Rapporteur on violence against women, ang karaniwang mga sanhi ng pagkakakulong o paglabag sa batas ng mga babae ay ang naranasan nilang pang-aabuso o karahasan, ang pananakot o pagpilit sa kanilang labagin ang batas, kahirapan, at mga krimeng may kinalaman sa moralidad. Dito sa ating bansa, 77% ng mga nakapiit sa Correctional Institution for Women ay hindi nakapag-aral nang lampas sa hayskul. Anim sa sampung nakakulong doon (o 64%) ay dahil sa krimeng may kinalaman sa ipinagbabawal na droga. Halos 20% ay nakapiit dahil sa krimeng may kinalaman sa pera o ari-arian.

Bakit sinasabing higit na mapanganib para sa mga babae kaysa mga lalaki ang lumabag sa batas? Bakit itinuturing na mas marahas sa mga babae ang sistemang pangkatarungan?

Ayon sa mga pag-aaral, lalong lantad ang mga babae sa posibilidad na maging biktima ng pang-aabusong sekswal kapag sila ay inaaresto, iniimbestigahan, o ikinukulong. Mas mabigat ang epekto ng pagkakakulong sa mga inang may sanggol o may napakabatang mga anak. Sa ganitong kalagayan, ang pagkakakulong ng ina ay nagiging sentensya rin sa kanyang mga anak na mawawalan ng tagapag-aruga at pamilyang nawalan ng haligi.



May mga bansang mas sensitibo na sa kalagayan ng mga women in conflict with the law. Sa mga bansang ito, binabawasan o pinagpapaliban ang sentensya ng isang babaeng buntis o may mga anak na edad 14 pababa. May mga bansa ring naglalagay ng mga pasilidad sa mga piitan ng mga kababaihan kung saan maaaring manatili ang mga sanggol at mga batang anak ng nakadeteneng ina at maaari pang makapag-aral at tumanggap ng mga bakuna at atensyong medikal. Ilan lamang ito sa mga paraang makapagpapabawas sa negatibong epekto sa mga anak ng pagkakapiit ng kanilang ina, bagay na hindi naibigay ng sistemang pangkatarungan ng ating bansa kay Baby River Nasino. Natatandaan ninyo marahil ang naging karanasan ni Reina Nasino na hindi pinayagang makapiling ang kanyang maysakit na anak hanggang sa mamatay ito.

Sa pagpapataw ng katarungan sa mga taong nagkasala, ang ating Panginoong Hesus ay laging kumikiling sa awa at sa pagpapanumbalik ng dignidad ng nagkasala upang maibalik din ang nagkasala sa kanyang komunidad. Tinatawag natin itong restorative justice kung saan ang pangunahing layunin ay hindi ang pagpaparusa kundi ang pagpapanumbalik ng ugnayan ng nagkasala sa kanyang kapwa. Ganito ang naging tugon ni Hesus sa babaeng nahuling nangangalunya at nais na batuhin at patayin ng mga Hudyo at mga Pariseo. Wika niya sa babae, “Saan sila nangaroroon? Wala bagang taong humatol sa iyo? … Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo: humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo’y huwag ka nang magkasala.”



Mga Kapanalig, sa pagsasabuhay ng katarungan bilang pagkakasundo ng tao sa kanyang kapwa, ang ating Simbahan ay itinuturo na may dalawang layunin sa pagpapataw ng katarungan. Sa isang banda ay ang pagpapanumbalik ng nagkasala sa lipunan; at sa kabila ay ang pagtataguyod ng katarungang nagbabalik ng pagkakasundo sa mga ugnayang nasira ng paglabag sa batas ng tao.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 11,521 total views

 11,521 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 19,506 total views

 19,506 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 27,042 total views

 27,042 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 43,027 total views

 43,027 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 51,071 total views

 51,071 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 11,523 total views

 11,523 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 19,507 total views

 19,507 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 27,043 total views

 27,043 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 43,028 total views

 43,028 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 51,072 total views

 51,072 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,980 total views

 45,980 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,405 total views

 44,405 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,191 total views

 46,191 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,116 total views

 43,116 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,430 total views

 57,430 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,120 total views

 61,120 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,723 total views

 59,723 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,710 total views

 69,710 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,678 total views

 73,678 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,565 total views

 84,565 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top