Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong obispo, simbulo ng pagmamahal ng Panginoon-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 259 total views

Ang pagdating ng isang obispo sa kaniyang sambayanan ay paalala sa atin na hindi tayo kinakalimutan ng Panginoon.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa ‘canonical installation’ ngayon ni Bishop Francisco De Leon bilang bagong obispo ng Diocese of Antipolo sa Antipolo Cathedral.

Ayon sa kardinal, bagamat bago si Bishop De Leon, nananatili ang simbolo ng Simbahan na si Hesus ay ang tunay na pastol.

“Ang pagdating ng isang obispo sa kaniyang sambayanan ay paalala sa atin na hindi tayo kinakalimutan ng Panginoon, na siyang pastol. Siya talaga ang pastol. Nagpapalit-palit ang mga obispo pero hindi nagbabago ang simbahan dahil si Hesus ang tunay na pastol.” Pahayag ni cardinal Tagle.

Labis ding nagpapasalamat ang kardinal na gaya ng sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, si bishop De Leon ay instrumento ng Panginoon sa kanyang pagpapastol sa Antipolo bagamat pinaalalahanan din ito na darating ang panahon ay isasalin din niya sa iba ang pamamahala kasabay ng panawagan ng suporta sa bagong obispo ng diocese ng Antipolo.

“Nagpapasalamat tayo kay Bishop Francis, sabi nga ni Archbishop Soc na nagtiwala siya at kahit kakilakilabot ay pumayag siya na maging daan, kamay at bibig at maging instrumento ng Panginoon na si Hesus sa kaniyang pagpapastol lalu na dito sa Antipolo, Bishop Francis maraming salamat…darating din ang araw na tatayo ka rin diyan at may ibang iluluklok dyan, pero huwag tayong mabahala si Hesus ang Obispo, si Hesus ang nangangalaga sa kanyang Simbahan kaya mahalin natin si Bishop Francis, pero hindi siya ang Diyos, hindi siya. We come and go a new priest will come and go so bring your community to Jesus for he is the one reserve because he is the true pastor.” Ayon pa sa kardinal.

Naging auxiliary bishop ng Antipolo si Bishop de Leon noong 2007 at itinalagang Coadjutor dito noong November 2015.

Si Bishop De Leon ang pang-apat obispo ng diocese ng Antipolo na may mahigit 3.2 milyong katoliko.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 12,544 total views

 12,544 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 24,027 total views

 24,027 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 39,716 total views

 39,716 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 40,441 total views

 40,441 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 49,833 total views

 49,833 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 107,675 total views

 107,675 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top