2,590 total views
Hinirang bilang bagong Prior Provincial ng Carmelites sa Pilipinas si Rev. Fr. Rico Ponce.
Ang paghalal ay ginanap kasabay ng idinaos na 4th Provincial Chapter of the Philippine Carmelite Province of St. Titus Brandsma sa St. Scholastica’s Center of Spirituality, Tagaytay City.
Ang pagtitipon ng religious congregation ay nagsimula noong March 6 at natapos kahapon March 10 2023.
Si Fr. Ponce ay tubong Siquijor. Siya nagpakadalubha sa Theology in Empirical Studies sa University of Nijmegen, Netherlands
Bukod kay Fr. Ponce, kabilang din sa mga nahalal sina Fr. Esmeraldo Reforeal; Second Councilor Fr. Joseph Roque; Third Councilor Fr. Rhen Caculitan at Fourth Counccilor Fr. Christopher Labrador.
Kabilang sa dumalo sa pagtitipon ang 49 na Carmelite priest, 16 na brothers at si Most Reverend Fr. Miceal O’Neill-ang Prior General ng Carmelites.
Itinatag ang Carmelites sa Pilipinas taong 1958 sa pangunguna ng Dutch Carmelites missionaries.