VeritasPH

The Word, The Truth

Bagong simula para sa Simbahan

SHARE THE TRUTH

 131 total views

Mga Kapanalig, maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa ating lahat!

Magandang paalala sa atin sa araw na ito ang mga salita noon ni Pope St John Paul II: “Do not abandon yourselves to despair. We are the Easter people and hallelujah is our song.” Sa Filipino: huwag nating hayaang malugmok tayo sa kawalang-pag-asa. Tayo ay mga nilalang ng Pasko ng Pagkabuhay, at aleluya ang himig na ating inaawit.

Tunay ngang mapanghamon ang kasalukuyan nating panahon. Kalbaryo ngang maituturing ang ating pinagdaraanan bilang isang bayan, at hindi madaling makakita ng liwanag sa gitna ng kadiliman, lalo na kung parating nakatatakot na mga balita ang naririnig natin at mga nakadidismayang hakbang at salita ang ibinibigay ng mga taong inaasahan nating pamamahalaan nang maayos ang nangyayaring krisis.

Ito ang kalagayang haharapin ng bago nating arsobispo rito sa Arkidiyosesis ng Maynila—si Cardinal Jose Fuerte Advincula ng Capiz. Itinalaga siya ni Pope Francis bilang kapalit ni Cardinal Luis Antonio Tagle, na ngayon ay nasa Vatican bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples. Labinlimang buwan ding bakante ang posisyong iniwan ni Cardinal Tagle, ngunit mahusay namang pinangasiwaan ang arkidiyosesis ni Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na tumayo bilang ating Apostolic Administrator. Pasalamatan natin si Bishop Pabillo dahil nagsilbi siyang pastol natin dito sa arkidiyosesis sa panahong nahaharap tayo sa matinding krisis na dulot ng nagpapatuloy na pandemya. Maging siya ay nahawahan ng sakit na ito, ngunit lakas-loob pa rin siyang naglingkod sa ating Simbahan.



Paglilingkuran ni Cardinal Advincula ang pinakamalaking arkidiyosesis sa Pilipinas. Ang ating arkidiyosesis ay may tatlong milyong Katoliko at binubuo ng 80 parokya sa malalaking lungsod dito sa Kalakhang Maynila. Ngunit lampas pa rito ang kanyang magiging tungkulin. Bilang pinuno ng pinakamalaking arkidiyosesis sa bansa, malaki rin ang inaasahan sa kanya lalo na sa mga usaping panlipunang nakaaapekto sa atin. Linawin nating hindi siya ang kinatawan ng buong Simbahang Katoliko sa Pilipinas at hindi rin siya ang pinuno ng lahat ng obispo sa ating bansa, ngunit maituturing nating tangan niya ang natatanging tungkulin na maging gabay ng mga mananampalataya, kahit pa sa mga isyung sa paniniwala ng ilan ay hindi na saklaw ng ating Simbahan katulad ng pulitika at ekonomiya.

Sa bagay na ito, maganda ring balikan ang paalala naman ni Pope Francis sa mga paring kabilang sa Pontifical Mexican College sa Roma noong Lunes Santo. Aniya, sa harap ng malalaking hamon sa ating mundo ngayon—katulad ng karahasan, hindi pagkakapantay-pantay, pagkakahati-hati, katiwalian, at kawalang pag-asa—nangangailangan ng mga pari—o mga pastol ng Simbahan—na iniaayon ang kanilang sarilli kay Hesus at nagtataglay ng tinatawag niyang “gaze of love”—o titig ng pag-ibig—na mayroon si Hesus sa atin.

Kung may ganitong katangian ang mga pari, paliwanag ni Pope Francis, ang kanilang pagtingin sa kanilang kawan ay nagbabago at nagiging pagtitig ng paglalambing at pagmamalasakit, pagbabalik-loob, at pagkakapatiran. Sa pagtitig nang may paglalambing, natatanggap natin ang lahat at nang walang kinikilingan. Sa pagtitig na layong magkaroon ng pagbabalik-loob, nagbubuklod ang lahat para sa panunumbalik ng katarungan. Sa pagtitig na hangad ang pagkakapatiran, napagbabahaginan natin ang ating mga ugnayang mahalaga sa pagbubuo ng isang mundong nagtutulungan ang lahat.



Mga Kapanalig, ang Pasko ng Pagkabuhay ay bagong simula para sa ating Simbahan—lalo na para kay Cardinal Advincula. Ipagdasal natin siya upang magabayan niya tayo sa gitna ng unos na ating nararanasan bilang isang Simbahan at bilang isang lipunan. At panghawakan natin ang pahayag ng anghel tungkol sa muling pagkabuhay ni Hesus sa Mateo 28:5: “Huwag kayong matakot.” Kapiling natin si Hesus. Buháy Siya at kapiling natin ngayon.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 5,600 total views

 5,600 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,136 total views

 13,136 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,122 total views

 29,122 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,167 total views

 37,167 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 42,247 total views

 42,247 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 5,601 total views

 5,601 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 13,137 total views

 13,137 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 29,123 total views

 29,123 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 37,168 total views

 37,168 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 42,248 total views

 42,248 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,302 total views

 43,302 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,088 total views

 45,088 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,013 total views

 42,013 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,327 total views

 56,327 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,017 total views

 60,017 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,620 total views

 58,620 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,607 total views

 68,607 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,575 total views

 72,575 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,462 total views

 83,462 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,901 total views

 95,901 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top