Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,382 total views

Homiliya para sa Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos, Unang Araw ng Enero, 2023, Luk 2:16-21

“Bagong Taon ay magbagong-buhay.” Ito ang pinakasikat at madalas nating ulit-uliting kantang pamasko, “Ang Pasko ay sumapit”. Ano ba ang nagpapabago sa buhay natin? Ito ang pagnilayan natin ngayong gabi, bago pumasok ang bagong taon.

Pero bago ang lahat, magkukuwento muna ako. Dahil siguro lumaki ako sa isang malaking pamilya, pang-sampu sa labingtatlo at pang-anim sa mga lalaki, hindi ako nasanay sa bago noong bata pa ako. Ang mga suot ko noon, mga “hand-me-downs”. Hindi lang segunda mano. Minsan tatlo, apat o limang beses nang pinagpasahan ng mga nakatatandang mga kuya ko. Kaya hindi ako nasanay magpabili ng bagong damit. Kung anong meron, okey na iyon.

Pero may kapatid akong mahilig sa bago. Naikuwento niya sa akin na noong malapit na siyang gumradweyt ng grade six, kinulit niya ang nanay ko na ibili siya ng bagong sapatos. Naglambing siya nang husto, sumuyo, nagsipag sa bahay, at inulit-ulit na bagong sapatos lang naman ang pangarap niya para sa graduation niya.

Minsan daw, gumising nang maaga ang nanay para mamalengke, dala ang basket niya. Pero bago lumabas, binuksan muna ang aparador na pinaglalagyan namin ng mga sapatos. Dahil parang may hinahalungkat siya, nagising ang kapatid kong nagpapabili ng sapatos. Nakita niya si nanay, inilabas sa aparador ang lumang pares ng sapatos na butas na ang suwelas. Isinupot at nilagay sa basket niya at lumabas na siya at nag-abang ng jeep para magtungo ng bayan.

Hindi niya alam binuntutan pala siya ng kapatid ko dahil masama ang kutob. Sumakay din ng jeep at parang secret agent na nagmanman. Nakita niya na bumaba ang nanay ko sa may repair shop ng sapatos. Tama nga ang kutob niya.

Umuwi siyang malungkot. Noong araw bago siya gumradweyt, hinihingi niya ang bagong sapatos na pinangako sa kanya. Hindi sumagot si nanay. Basta nilabas sa aparador ang isang bagong kahon na nakabalot pa ng panregalo. Nang buksan niya, umasim ang mukha niya. Umiyak siya, “Alam ko namang hindi bago ito, pinarepair mo lang. Tatlo na nga sa mga kuya ko ang nagsuot nito. Niloloko mo naman ako, ima, e. Nasundan nga kita sa bayan noong araw na pinarepair mo ito.”

Maghapon daw siyang nagtampo, ayaw kumain. Kaya kinausap siya at nagsorry ang nanay at pinaliwanagan siya. “Sorry anak ha. Alam ko nangako ako. Pero wala kasi tayong pambili ng bago ngayon. Pag ginastos ko sa sapatos ang naitabi kong konting pera, baka walang ipambayad ng tuition sa college ang kuya mo. Dahil noon lang niya narinig na nagsorry ang nanay ko ngumiti na siya. Sabi daw niya, “Di bale, ima, mahusay naman ang pagkaka-repair: bago ang suwelas, bago ang takong, bago ang tali, at bagong shine pati. Parang bago na rin.” At masaya siyang gumradweyt.

Hindi niya nalimutan ang karanasan niyang iyon. Siguro dahil nagbago rin ang paningin niya sa nanay ko, at naramdaman niya na parang natuto siyang umunawa sa sitwasyon. Parang feeling niya nag-mature siya.

Ang Misang ito ay bihilya, hindi lang ng bagong taon, kundi ng Kapistahan ni Mariang Ina ng Diyos. Ang ebanghelyong binasa natin ay ang kasunod ng kuwento ng panunuluyan na binasa naman natin noong Paskong hatinggabi.

Masakit ang pinagdaanan nina Maria at Jose sa Bethlehem. Ayon kay San Lukas, hindi daw sila pinagbuksan sa oras ng kanilang pangangailangan. Pero hindi sinabi ni San Lukas na “itinanim ni Maria ang mga bagay na iyon sa kanyang puso”. Kung minsan, kapag nasaktan ka sa pakikitungo ng isa, dalawa, o ilang tao, kapag nagtanim ka ng sama ng loob, parang kang nadadala, parang nakukulayan na ang paningin mo kahit sa ibang tao. Parang ayaw mo nang magtiwala sa kapwa. Iisipin mo na lahat ng tao ganoon din—maramot, malupit, walang pakialam, walang malasakit sa kapwa. Na parang walang kakaiba; na parang pare-pareho lang ang lahat.
Pero may ibang mga karanasan na pwedeng magpabago sa ating pananaw. Katulad ng pagbasa ngayong gabi. Hindi naman totoong walang nagpatuloy sa kanila sa Bethlehem. Meron naman, di ba? Ang mga pastol; sila ang dumamay sa kanila. Ano bang tahanan meron ang mga abang pastol kundi ang mga sabsaban kasama ang mga alaga nila? Silang mga pinakaaba ang nagmagandang-loob sa kanila, hindi mga mayayamang kamag-anak sa lahi ni Haring David na marahil ay nakarinig ng tsismis tungkol sa intriga sa buhay ni Jose, kaya hindi sila pinagbuksan. Minsan kung sino pa ang walang-wala, siya pa ang mas mabilis magmalasakit sa kapwa.

Ang malasakit na iyon ang tinandaan ni Maria at itinago sa kanyang puso. Iyon ang nagpabago sa pananaw niya sa mga taga-Bethlehem. Naalala pa ba ninyo iyong ikinuwento ko sa inyo noong 2019–nang mag-overheat ang ang sasakyan ko sa expressway at, dahil bagong taon ay walang mekaniko sa gas station? Di ba’t naikwento ko na may lumapit at nag-alok na kung magdadala daw kami ng maraming tubig, mailalabas pa namin ang sasakyan sa expressway para ma-repair niya sa bahay niya.

Nakalabas nga kami ng expressway pero pumasok kami sa liblib at madilim na lugar at akala ko hoholdapin niya ako. Sa iskwater pala siya nakatira, walang kalsada, walang kuryente, barong-barong ang tirahan. Pagdating sa bahay niya naglock pa ako sa loob sa takot na baka pukpukin ako at nakawan. Pero hindi pala siya masamang tao.

Matapos niyang magawa ang sasakyan ko, noon ko nakita na napakabuti pala niyang tao. Niyaya pa ako sa loob ng barong-barong niya at pinakilala sa akin ang asawa na may kargang sanggol na kapapanganak pa lang noong Christmas. Pinakain pa ako sa kanilang munting dampa. Kung kinunan ko ng picture ang mag-anak na nakasalo ko, baka tinawag ninyong Pinoy na Belen. Hinding-hindi ko malimutan iyon dahil talagang parang nakasalo ko sa hapag ang Sagrada Pamilya. At iyon ang mismong taon na in-appoint ako ni Pope Benedict na maging obispo: 2006, seven months later.

Para bang inihanda ako ng karanasan na iyon. Na bago ako mahirang na obispo, binago muna ng Panginoon ang pananaw ko sa mga dukha. Ang daming mga taong ang konsepto sa mga lugar ng mga dukha, lalo na sa mga iskwater ay pugad ng mga kriminal, pusakal ng lipunan, addict at magnanakaw. Ang akala kong manghoholdap sa akin, siya palang tutulong sa akin. At di ba nabanggit ko nga sa inyo na Joseph pa mandin ang pangalan niya?

Sabi ni San Lukas, “tinandaan at pinagnilayan” ni Maria ang mga pangyayari. Iyon ang nagpabago sa pananaw niya. Iyon din ang maaaring magpabago sa mga buhay natin. Mahalaga na tinatandaan natin ang nakaraang mga pagkakamali para hindi na ulitin sa kasalukuyan. Tinatandaan natin ang mga pagpapalang dumarating sa buhay natin para maisabuhay natin ang buhay bilang pasasalamat.

Ang bagong taon ay ipinagdiriwang din natin bilang pandaigdigang araw ng kapayapaan. Ang pinakaimportanteng pagbabagong pananaw na pwedeng magpabago ng ating mga buhay ay iyong sinasabi ng refrain ng madalas nating marinig na kantang “Lord make me an instrument of your peace.”

Paano maging daan ng kapayapaan? Magbago ng pananaw sa buhay. Na kung ibig mong unawain ka, ang susi ay umunawa ka. Na kung ibig mong tumanggap, ang susi ay magbigay. Na kung ibig mong patawarin ka, ang susi ay magpatawad. Na kung ang hangad mo ay walang hanggang buhay, ang susi ay kahandaang mag-alay ng buhay. Manigong bagong taon po sa inyong lahat.

(Photo below is a painting of the Birhen ng mga Aeta by Edgar Nucum at the Apu Mamacalulu Shrine in Angeles City)

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 5,254 total views

 5,254 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 11,227 total views

 11,227 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 16,982 total views

 16,982 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 24,245 total views

 24,245 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 32,230 total views

 32,230 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 613 total views

 613 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 616 total views

 616 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,370 total views

 3,370 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,785 total views

 7,785 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,111 total views

 3,111 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,634 total views

 3,634 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,133 total views

 5,133 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,977 total views

 5,977 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,232 total views

 4,232 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,445 total views

 8,445 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,678 total views

 7,678 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,888 total views

 11,888 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,336 total views

 5,336 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,340 total views

 5,340 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,340 total views

 5,340 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top