7,980 total views
Makikipagtulungan ang Economy of Francesco Foundation sa mga dalubhasa upang maisulong ang balanse sa pagitan ng pagtatrabaho at relasyon sa pamilya.
Ayon sa EOF Foundation, itatampok nila ang mga turo mula sa pag-aaral nina Jennifer Nedelsky and Tom Malleson na mga dalubhasang dating nagturo ng Law sa University of Toronto.
Layon ng malawakang information disseminations at online conferences na maipaunawa sa mga kalahok ang kahalagahan ng pagkakaroon ng trabaho habang pinapanatili ang maayos na relasyon sa pamilya.
“Jennifer Nedelsky and Tom Malleson address the enduring challenge of work-family conflict, offering innovative solutions that examine its diverse manifestations across cultural, social, and economic contexts. With a particular focus on the systemic inequalities faced by caregivers, they advocate for a fundamental shift in priorities, urging society to engage in collective reflection: “Rethinking what is important by talking together about how we want to work, how we want to provide care, in short, how we want to live,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ng EOF Foundation.
Idadaos ang online conference na may pamagat na ‘Giving Care: (A) Time of Economic Change, Starting from Work’ simula May 2 at 3, 2025 kung saan maaring bisitahan ang official website ng EOF Foundation (www.francescoeconomy.org) upang malaman ang mga impormasyon kung paano makakalahok.
Magsisilbi din ang pagtitipon upang makapagdayalogo ang mga sasaling kabataan, estudyante, dalubhasa at manggagawa at maibahagi sa isat-isa ang mga impormasyon na nais nilang sabihin upang magkaroon ng balanse ang trabaho at pamilya.
“The two-day event, Giving Care: (A) Time of Economic Change, Starting from Work, with Jennifer Nedelsky aims to serve as a platform for dialogue, knowledge-sharing, and co-creation. The program is designed to engage and welcome experts, researchers, students and all those interested in the intersection of care and labor, featuring a variety of participatory activities,” ayon pa sa mensahe ng EOF Foundation
Noong 2024, sa mga pag-aaral ng ‘Global Life-Work Balance Index’ hindi pantay sa Pilipinas ang trabaho at pagpapanitili ng maayos na relasyon sa pamilya o sariling buhay ng mga manggagawa.




