Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Narito Ako, Kaibigan Mo online program, muling ilulunsad ng CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

 10,827 total views

Inaanyayahan ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) ang mamamayan na subaybayan ang pagbabalik ng online program ng kumisyon na may titulong ‘Narito Ako, Kaibigan Mo’.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio -chairman ng kumisyon, napapanahon ang muling pagbabalik ng programa sa paggunita ng Jubilee Year of Hope ngayong taon.

Pagbabahagi ng Obispo, sa pamamagitan din ng nasabing programa ay maibabahagi ng Simbahan ang pag-asa na hatid ng Panginoon para sa lahat maging para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakasala sa buhay.

“Bilang chairman ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, ako po ay natutuwa dahil ito po ay nagre-relaunching tayo ng ganitong programa, ito po para sa akin ay nagbibigay sa atin ng pag-asa. Alam niyo po ngayong taong ito Jubilee 2025 ito ay palaging hinihikayat ng Pope Francis yung pag-asa natin mula sa Panginoon hindi po tayo malilinlang. At ito po ay nagbibigay ng pag-asa sa ating mga kapatid, lalong lalo na yung mga kapatid natin sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) at ako po ay natutuwa dahil kahit papaano meron tayong maiaambag.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio.

Paliwanag ni Bishop Florencio, layunin rin ng nasabing online program ng komisyon na ibahagi ang pag-asa hindi lamang para sa mga PDLs kundi maging para sa kanilang mga pamilya at mga biktima.

Ibinahagi rin ng Obispo na bahagi ng layunin ng programa na maibahagi sa mas nakararami ang mga ginagawa ng prison ministry ng Simbahan at ipaalala sa bawat isa ang pananagutan sa kapwa maging sa mga PDLs na nakagawa ng pagkakasala.

“Dito sa ating munting programang ito ang pananaw ko po ay malaking pag-asa po ang maiiambag natin lalong lalo na sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) at hindi lang po sa kanila yung ating mga kapatid din kung saan yung mga mahal sa buhay, yung kanilang dependents, yung kanilang families. Ito po ang programa na makapagbibigay sa atin ng siguro hindi lang ngayong taong 2025 ng Jubilee Year ngunit ito ay magbibigay siguro habang panahon na tayo ay nagbobroadcast…” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Pinangungunahan ang talakayan ni Legazpi Bishop Joel Baylon vice chairman ng kumisyon kasama sina Bro. Gerry Bernabe – associate secretary ng prison ministry ng CBCP.
Kabilang sa pangunahing tinatalakay sa nasabing online program ang misyon at tungkuling ginagampanan ng komisyon upang kongkretong maipamalas ang ‘synodality act’ para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Unang ibinahagi ng Obispo na hindi matatawaran ang adbokasiya at pangarap ng prison ministry ng Simbahang Katolika para sa ikabubuti ng mga PDLs gayundin sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay sa labas ng bilangguan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 17,008 total views

 17,008 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 27,986 total views

 27,986 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 61,437 total views

 61,437 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 81,774 total views

 81,774 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 93,193 total views

 93,193 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 8,428 total views

 8,428 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 9,053 total views

 9,053 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top