Bangon Marawi, gising Pilipinas!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 455 total reads

Mga Kapanalig, matapos ang pagkakapatay sa mga lider ng Maute group noong nakaraang linggo, idineklara ni Pangulong Duterte ang pagtatapos ng limang buwang labanan sa lungsod ng Marawi. “Liberated” o malaya na raw ang lungsod mula sa mga terorista. Gayunman, nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng militar dahil may mga bihag pang nasa kamay ng mga natitirang pro-Islamic State fighters. Mananatili rin daw ang batas militar sa Mindanao hanggang matunton ang pinakahuling terorista. Nagsimula na ring magsibalikan sa kanilang mga pamilya ang mga magigiting nating sundalo.

Ayon sa pamahalaan, hudyat ang simbolikong deklarasyong iyon ng pangulo ng pagtatayong muli ng lungsod at pagbangon ng mga mamamayan nito. Ngunit alam nating lahat na hindi ito magiging madali. Hindi ito magiging mabilis. Umaasa tayong gagawin ng pamahalaan, katuwang ang ibang mga institusyon, ang lahat upang maitayong muli ang mga nasirang bahay, palengke, simbahan, mosque, paaralan, at iba pang gusali. Kailangan ding maibalik ang mga serbisyong katulad ng kuryente, malinis na tubig, at mga kalsada.

Ngunit hindi lamang sa mga pisikal na istruktura nakasalalay ang pagbangon ng nasirang lungsod. Paalala ang malagim na pangyayaring ito sa Marawi ng pangangailangang gumising tayong lahat sa katotohanang hindi natatapos ang banta ng terorismo sa pagkakapaslang sa mga taong nagpapalaganap ng lagim. Kailangan nating gisingin ang ating mga sarili sa katotohanang magpapatuloy ang terorismo hangga’t lugmok sa kahirapan ang mahigit kalahati ng 3.8 milyong populasyon ng ARMM, hangga’t may mga taong mapipilitang kumapit sa patalim para lamang mabuhay ang kanilang pamilya. Sasamantalahin ng mga masasamang-loob ang kalagayang ito upang makahikayat ng mga taong handang humawak ng armas at manakit ng kanilang kapwa kapalit ang pangakong salaping makatutugon sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Patuloy na makahihikayat ang mga teroristang grupo ng mga tao, lalo na ng mga kabataan, na hindi nakapag-aral at walang kakahayang timbangin ang tama at mali, ang mabuti at masama.

Samakatuwid, kung nais talaga nating pahinain ang puwersa ng mga terorista, kailangan nating baguhin ang mga kalagayang nagtutulak sa mga taong umanib sa mga grupong ito. Sa maraming pagsusuri sa katangian ng mga kasapi ng mga teroristang grupo gaya ng Islamic State, lumilitaw na kahirapan at kawalan ng oportunidad na magkaroon ng makahulugang hanapbuhay ang nasa likod ng pagsali ng mga tao sa teroristang grupo.

At maiuugnay natin rito ang sinabi ni Pope Francis. Aniya, ang mga digmaan, terorismo, at sapilitang paglikas ng mga tao o forced displacements ay bunga ng mga konkretong desisyon. At hindi lamang po ito tumutukoy sa mga desisyon ng pamahalaan o mga maimpluwensyang institusyon. Bawat isa po sa atin, ang bawat kasapi ng lipunan, ay may mga desisyong nakaaapekto sa iba. May epekto sa mga kababayan natin sa ARMM ang mga desisyon po natin sa Metro Manila. Halimbawa, kapag pinili nating paniwalaan at palaganapin ang baluktot na pananaw tungkol sa mga kababayan nating Muslim, nagiging bahagi tayo ng pagtutulak sa kanila sa dulo ng kaunlaran. Kapag pinili nating suportahan ang marahas na pagsugpo sa isang problema, nagiging bahagi tayo ng kultura ng karahasang nagbubuyô naman sa ibang gumanti rin gamit ang karahasan. Kung pinili nating mamuhay nang marangya sa gitna ng karukhaan ng marami, mistulang ninanakawan natin ang ating kapwang kapos sa buhay.

Nakaugat ang lahat ng ating mga pasya sa ating kalayaang pumili o freedom of choice, isang kalayaang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Kaya naman, gaya ng ipinahihiwatig sa sinabi pa ng ating Santo Papa, tandaan nating sa paggamit natin ng ating kalayaang pumili, dapat nating isinasaalang-alang ang pakikipagkaisa natin sa lahat, ang pakikiramay sa ating kapwa, ang pagsasabuhay ng ating pananagutan sa isa’t isa.

Mga Kapanalig, babangon ang Marawi. Babangon ang Pilipinas. Ngunit bago tayo bumangon, kailangan muna nating gumising sa ating kawalang pakialam, baluktot na paniniwala, at mga makasariling pagpapasya.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 3,312 total reads

 3,312 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 38,741 total reads

 38,741 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 75,225 total reads

 75,225 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 93,436 total reads

 93,436 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 177,612 total reads

 177,612 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 3,313 total reads

 3,313 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 38,742 total reads

 38,742 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 75,226 total reads

 75,226 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 93,437 total reads

 93,437 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top