Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 141,213 total views

Mga Kapanalig, matapos ang halos siyam na taong paglilingkod sa publiko, tuluyang nagsara na ang news media organization na CNN Philippines noong ika-31 ng Enero. Dahil ito sa pagkalugi ng kumpanya na umabot ng higit sa limang bilyong piso. Nasa 300 na empleyado ang nawalan ng trabaho. Tinanggal na rin ang website at social media pages ng istasyon—pati ang lahat ng nilalaman o content nitong nagsilbing mapagkakatiwalang source ng impormasyon at dokumentasyon ng kasaysayan—nang walang abiso sa publiko. Maliban sa CNN Philippines, magsasara na rin ang Sky Cable bago Matapos ang Pebrero. Binili na ng kumpanyang PLDT ang nasabing cable TV kung saan naka-broadcast ang ABS-CBN News Channel (o ANC). Sa ibang bansa, sunud-sunod din ang pagtatanggal ng mga empleyado sa mga news media outlets.

Ang mga balitang ito ay hindi lamang simpleng kuwento ng pagsasara ng kumpanya dahil sa pagkalugi. Sinasalamin ng mga ito ang mga pagbabago sa tinatawag na media landscape kung saan nag-iiba na ang pagkonsumo natin ng balita at entertainment. Sa halip na manood ng mga programa sa telebisyon at kumuha ng balita sa mga news channels, news websites, radio, at diyaryo, marami sa atin ang lumipat na sa pagkonsumo ng content ng iba’t ibang digital media. Sikat na nga ngayon ang streaming platforms katulad ng Netflix at mga social media platforms gaya ng Tiktok. 

Kaugnay ng pagbabagong ito, karamihan ng kita sa advertising industry ay napupunta na rin sa seach engines at social media platforms kung saan nangingibabaw ang kumpanyang Google at Meta (o ang parent company ng Facebook). Ang advertising industry ay kumikita sa pamamagitan ng pagbili ng ating atensyon sa pamamagitan ng mga advertisements. At dahil ang oras at atensyon natin ay napupunta na sa digital media, nababawasan ang mga tumatangkilik sa tinatawag na mainstream media katulad ng news channels.

Ano naman ang implikasyon nito sa atin? Ayon kay Propesor Danilo Arao ng University of the Philippines, ang pagsara ng isang news media organization na may subok nang track record ay pagkabawas sa mga maaasahang mapagkukunan ng balita at impormasyon. Sa panahong laganap ang disinformation at misinformation o fake news, ito ay maituturing na banta sa malayang pamamahayag na pundasyon ng demokrasya.

Sa kanyang mensahe para sa World Communications Day noong 2018, sinabi ni Pope Francis na ang mga mamamahayag ay protectors of news, mga tagapagtanggol ng balita. Sila ay may responsabilidad na maghatid at magtaguyod ng katotohanan. Ngunit maliban sa kanila, inimbitahan din tayong lahat ng Santo Papa na itaguyod ang pamamahayag sa kapayapaan—ang pamamahayag na makatotohanan at laban sa kasinungalingan; pamamahayag na mula sa tao at para sa tao; at pamamahayag na naglilingkod para sa kabutihang panlahat, lalo na sa karamihang walang boses. Gaya ng pahayag ni Pope Francis, ang lunas sa kasinungalingan ay pagkilos ng mga taong handang makinig at handang makilahok sa bukás na pakikipag-usap upang mailantad ang katotohanan.

Mga Kapanalig, sa pag-usbong ng teknolohiya, hindi natin maiiwasan ang mga pagbabago sa lipunan. Gayunpaman, huwag sana nating hayaan ang mga bagong platapormang ito na ilihis tayo mula sa katotohanan. Kaliwa’t kanan ay pinag-aagawan ang atensyon ng publiko, at madalas, ito ay sa paraang ‘di makatarungan, katulad ng pagpapakalat ng fake news upang pagkakitaan ng mga dambuhalang korporasyon o pakinabangan ng mga makapangyarihang may pulitikal na interes. Sa unti-unting pagliit ng espasyo ng pamamahayag, nagiging mas mahalaga ang pagpasan natin ng responsabilidad na i-verify ng ating sources of information, labanan ang disinformation, at itaguyod ng katotohanan. Huwad ang sinasabing ”demokrasya” kung hinahayaan nitong kumalat ang kasinungalingan. Wika nga sa Juan 8:32: “ang katotohanan ang magpapalaya sa [atin].”

Sumainyo ang katotohanan.

SONA ng Sambayanan 2026, isasabay sa SONA ni PBBM

 51 total views

Iginiit ni Bishop Efraim Tendero, Global Ambassador ng World Evangelical Alliance, na layunin ng SONA ng Sambayanan 2026 na maiparating ang tunay na kalagayan at hinaing ng mamamayan kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Ayon kay Tendero, ang SONA ng Sambayanan ay hindi isang pagkilos upang maghasik ng kaguluhan o pagkakahati-hati, kundi isang mapayapang pagkakataon upang marinig ang boses ng mga ordinaryong Pilipino mula sa iba’t ibang sektor at panig ng bansa.

“Ang SONA ng Sambayanan ay ang pagpapahayag ng mga tao para sa kanilang kalagayan, para sa kanilang pagnanasa, para sa kanilang kahilingan, para sa magandang kinabukasan ng ating bayan. Hindi ito panggulo, hindi ito pagkakahati-hati, kundi nagkakaisa tayo na ipahayag ang ating damdamin at ang tunay na kalagayan ng ating lipunan,” pahayag ni Tendero sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi ng Evangelical Bishop na mahalagang mailahad ang kalagayan ng mga nasa kanayunan, mga maralitang pamilya, manggagawa, at iba pang sektor na patuloy na nakararanas ng kahirapan at kakulangan sa batayang serbisyo.

Aniya, ang panawagan ng SONA ng Sambayanan ay hindi lamang para sa Metro Manila kundi para sa lahat ng komunidad sa buong bansa.

Kasabay nito, hinimok ni Tendero ang mamamayan na samahan ng panalangin ang kanilang paninindigan upang gabayan ng Diyos ang mga namumuno at maisulong ang mabuting pamamahala.

“Lumapit tayo sa Diyos, manalangin, at hingin ang Kanyang gabay at patnubay upang ang mga namamahala sa atin ay gampanan ang kanilang tungkulin, masansala ang kasamaan, at mabigyang pagkilala ang gumagawa ng mabuti,” ani Tendero.

Binigyang-diin din ng opisyal ng World Evangelical Alliance na ang pamumuno at politika ay isang pananagutang nakatuon sa paglilingkod at hindi sa pansariling interes.

“Ang ating pamamahala at ang politika ay hindi hanapbuhay, ito ay nagbibigay-buhay. Ang ating panawagan ay mamuhay tayo nang may dangal, kaayusan, katarungan, at kapayapaan sa ating bayan, bunga ng pagkatakot sa Diyos at pagmamahal sa kapwa at sa Pilipinas,” dagdag ni Tendero.

Ang nakatakdang SONA ng Sambayanan ay pangununahan ng Inter-Religious Leaders’ Council for National Transformation (IRLCNT) at White Ribbon Movement (WRM).

Hindi sapat na bahagi lamang ng buhay ng tao si Hesus, kundi dapat siya ang sentro

 294 total views

Hinimok ng Canadian theologian at co-founder ng Catholic Christian Outreach (CCO) na si André Regnier ang mga mananampalataya na huwag manatili sa kaalamang pangkaisipan si Hesus kundi magpasya ng personal na tugon ng pananampalataya sa pamamagitan ng paglalagay kay Kristo bilang sentro ng kanilang buhay.

Sa bahagi ng Prayer Pathways sa unang araw ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII), ipinaalala ni Regnier na bagama’t mahalagang maunawaan ang katauhan ni Hesus at ang Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi sapat ang paghanga o paniniwala mula sa malayo upang magkaroon ng tunay na ugnayan sa Panginoon.

“It is essential that we understand who Jesus is and what He has done for us. But knowing these truths intellectually is not enough. Simply believing them from a distance is not enough,” Bahagi ng pahayag ni Regnier.

Upang higit na maipaliwanag ang kahalagahan ng personal na pagtugon sa paanyaya ni Kristo, ibinahagi ni Regnier ang karanasan noong araw ng kanyang kasal kung saan hindi naging ganap ang kanilang tipan ng kanyang asawa hangga’t hindi nito naipapahayag ang salitang “I do” sa ilalim ng sakramento ng kasal.

Ayon kay Regnier, tulad ng pag-aasawa, nangangailangan din ng malayang pagtugon ang pakikipagkaibigan kay Hesus.

“Jesus has already offered us His friendship. The question is: Will we say yes?” Dagdag pa ni Regnier.

Hinamon din nito ang mga dumalo na suriin ang kanilang espirituwal na kalagayan sa pamamagitan ng pagtatanong kung si Hesus ba ay bahagi lamang ng kanilang buhay o tunay nang nasa pinakasentro nito.

“I’m not asking whether you’re a perfect Christian. I’m asking something much deeper. Where is Jesus in your life? Is He simply a part of your life? Or is He truly at the centre of your life?” Ayon pa kay Regnier.

Binigyang-diin din ni Regnier ang pahayag ni Pope Benedict XVI na nagsasabing walang mawawala sa sinumang magbubukas ng kanyang puso kay Kristo kundi sa halip ay matatanggap ang ganap na buhay.

“If we let Christ into our lives, He takes nothing away, and He gives you everything… Open wide the doors to Christ, and you will find true life,” pagbabahagi niya mula sa turo ng dating Santo Papa.

Kasunod nito ay inimbitahan ni Regnier ang mga kalahok na personal na ialay ang kanilang buhay sa Panginoon sa pamamagitan ng Prayer of Commitment, kung saan sama-samang idinalangin ang pagtanggap kay Hesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng kanilang buhay.

Nagtapos ang sesyon sa pamamagitan ng tahimik na panalangin at paghingi ng panibagong paggabay ng Espiritu Santo, habang paulit-ulit na inaanyayahan ang mga kalahok na manalangin ng, “Come, Holy Spirit,” bilang panawagan ng patuloy na pagbabagong-loob at mas malalim na pakikipagkaisa kay Kristo.

Isinasagawa ang Prayer Pathways bilang isa sa mga pangunahing espirituwal na gawain ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) na naglalayong akayin ang mga mananampalataya tungo sa mas malalim na personal na pakikipagtagpo kay Hesukristo at panibagong sigla sa misyon ng ebanghelisasyon.

Higit na unawain ang tunay kahulugan ng banal na eukaristiya-Cardinal Tagle sa mananampalataya

 505 total views

Hinimok ng opisyal ng Vatican ang mga mananampalataya na higit na unawain ang tunay na kahulugan ng Banal na Eukaristiya bilang sakramento ng pag-ibig at pagkakaibigan na dapat magbunga ng pagmamahal, malasakit, katarungan, at misyong Kristiyano sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ito ang binigyang-diin ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization, sa kanyang plenary reflection sa unang araw ng 12th Philippine Conference on the New Evangelization (PCNE XII) na ginanap sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.

Ayon sa kardinal, hindi dapat limitado sa mga ritwal at seremonya ang pagtingin ng mga mananampalataya sa Eukaristiya sapagkat ito ang pagpapahayag ng pinakadakilang pag-ibig at pagkakaibigan ni Hesus sa sangkatauhan.

“The Eucharist is the Sacrament of Love. It is the Sacrament of Friendship,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na ang pananatili kay Kristo, batay sa panawagang “Remain in me,” ay isang panawagang aktibong pamumuhay ng pag-ibig.

“Remain in Jesus means loving. And love is active,” giit ng kardinal.

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang bawat pagdiriwang ng Eukaristiya ay dapat magbunga ng pagbabago sa pakikitungo ng mga mananampalataya sa kanilang kapwa, lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.

Binigyang-diin ng opisyal na hindi maaaring ihiwalay ang pagsamba sa Diyos sa pananagutang magmahal at magbahagi sa kapwa.

“We cannot celebrate the breaking of the Bread during Mass and then, after Mass, practice the hoarding of bread—keeping everything for ourselves and refusing to share,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Sinabi pa ng kardinal na ang isang tunay na pamayanang eukaristiko ay nakikilala hindi lamang sa maayos na pagdiriwang ng Misa kundi sa paraan ng paggalang, pagmamalasakit, at pakikipagkaibigan sa kapwa.

“Relationships. Friendship. Respect. Compassion. These are the unmistakable marks of a truly Eucharistic community,” saad pa ng kardinal.

Paalala ni Cardinal Tagle na ang Huling Hapunan ay nagsilbing simula ng bagong kasaysayan ng pagkakaibigan sa kabila ng pagtataksil na naranasan ni Hesus.

Aniya, sa halip na gumanti, pinili ni Kristo ang pag-aalay ng sarili upang wakasan ang poot at paghihiganti.

Nagbabala rin si Cardinal Tagle laban sa pagdadala ng makamundong pagtingin sa loob ng pagdiriwang ng Eukaristiya, kabilang ang pagbibigay ng labis na pagpapahalaga sa personalidad ng mga punong tagapagdiwang o sa mga panlabas na bagay sa halip na nakatuon ang presensya kay Kristo.

Aniya, ang sentro ng Eukaristiya ay si Hesus at hindi ang sinumang pari, obispo, o kardinal.

Tinukoy rin ng kardinal ang pagtatapos ng Misa bilang panawagan sa misyon at hindi lamang simpleng pagtatapos ng pagdiriwang.

“It is not simply dismissal. It is a mission,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Ipinaliwanag niyang ang bawat tumatanggap ng Katawan ni Kristo ay isinusugo upang ibahagi sa kapwa ang Salita ng Diyos, ang pag-ibig ni Kristo, at ang mabuting balita ng kaligtasan.

Binigyang-diin pa ni Cardinal Tagle na ang pagkakaibigang ipinamalas ni Hesus ay dapat ding maging huwaran ng bawat Kristiyano sa pakikitungo hindi lamang sa kapwa at sa sangnilikha.

“Jesus has treated us as His friends. Therefore, let us also treat our fellow human beings, and even the world itself, as our friends,” aniya.

Hinimok ng kardinal ang mga mananampalataya na hayaang hubugin ng Eukaristiya ang kanilang buong pamumuhay at hindi lamang ang kanilang pakikilahok sa Misa.

Dumalo sa unang araw ng PCNE XII ang halos 4, 000 mananampalataya mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 47,382 total views

 47,382 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 75,673 total views

 75,673 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 121,604 total views

 121,604 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 154,687 total views

 154,687 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 179,930 total views

 179,930 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 47,383 total views

 47,383 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 75,674 total views

 75,674 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 121,605 total views

 121,605 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 154,688 total views

 154,688 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »
Scroll to Top