VeritasPH

The Word, The Truth

 411 total views

Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, ika-19 ng Hunyo 2022, Lk 9:11b-17

Happy Fathers’ Day po. Sa araw na ito ng Corpus Christi, ang gusto kong paghugutan ng inspirasyon sa aking pagninilay ay ang isang bagay na alam na alam ng lahat ng mga tatay—ang BAON. Minsan makikita mo sila, nakabisikleta patungo sa trabaho, lalo na ang mga construction workers. May dalang backpack. Pag binuksan mo ang backpack niya, siguradong isa sa mga makikita mo sa loob ay lunchbox o pombrera, o nakabalot na pagkain. Ito ang BAON niya sa tanghalian.

Maliliit pa tayo, sanay na tayo sa konsepto ng BAON. Baon ni Junior, pagpasok sa school. Baon ni ate sa biyahe papuntang Saudi bilang OFW. Kung minsan, kahit ang nakikain na sa piyesta pinababaunan pa pauwi.

Ang baon ay pantawid-gutom sa paglalakbay. At alam natin na ang buhay mismo ay isang paglalakbay. Para sa ating mga Katoliko ang Eukaristiya ay baon natin sa landas ng buhay para maabot natin ang buhay na walang hanggan.

Alam nyo ba na ang tradisyunal na tawag sa komunyon na ibinibigay ng pari sa mga nag-aagaw-buhay ay VIATECUM? Salitang Latin, at ang literal na ibig sabihin nito sa Tagalog ay BAON MO SA DAAN.

Minsan may napanood akong eksena sa sine, isang nanay na naghahanda ng babauning tanghalian ng anak niyang papasok sa school. Naikwento daw kasi ng titser na isa sa mga pinakamabait na batang nakita niya sa school ay ang anak niya. Hindi siya kumakain mag-isa, laging may kasalo. Ang pinipili niyang kasalo ay iyong walang baon o kaunti lang ang baon. Binabahaginan niya. Noon naintindihan ng nanay kung bakit parang gutom pa rin ang anak niya pag-uwi. Mula noon, dinadagdagan niya ng kaunti ang baon—extrang hiwa ng manok, extrang saging, extrang cupcake. Laging ubos.

Pero pag-uwi ng bata ang dami niyang baon na kuwento, kuwento ng mga bagong kaibigan na nakilala. Siguro iyon talaga ang konsepto ng baon, batay sa ating ebanghelyo sa araw na ito ng Corpus Christi.

Binago ni Hesus ang kaisipan ng kanyang mga alagad tungkol sa baon. Palagay ko nagugutom na rin kasi ang mga alagad kaya gusto nila na sabihan ni Hesus ang mga tao: “Time-out o break muna. Magkanya-kanya na muna tayo—may dala namang kanya-kanyang baon ang mga iyan.” Sila ang dala nilang baon para sa kanila lang: limang tinapay at dalawang isda.

Noong nakaraang Linggo ng Holy Trinity, nabanggit ko iyong reaction ko sa tipo ng mentalidad lumalakas ngayon. Ang pagka-KANYA-KANYA na napaka-individualistic. Halimbawa, ang mga madalas ipaskel na paunawa sa mga kabarangay: TAPAT KO LINIS KO. Sabi ko, bakit naman ganoon? Hindi ba puwedeng BARANGAY NATIN LINIS NATIN? Walang uunlad sa paligid natin kapag wala tayong pakialam sa kapwa, kapag wala tayong malasakit sa kapakanan ng iba, iyong tinatawag sa Ingles na COMMON GOOD. Kaya bumababa ang sense of community kahit sa mga urban poor areas—magkakapitbahay pero hindi magkakakilala, hindi nagdadamayan.

Isa pang hindi magandang prinsipyo ay KKB—“kanya-kanyang baon.” Di ba sa karanasan, kapag nagkanya-kanya tayo, mas madali tayong maubusan? Pero kapag nagsama-sama, ang konti dumarami, tulad ng sa POTLUCK? Noong nakaraang Metropolitan Synodal Assembly, ang bawat diocese nagdala ng baon na pasalubong para sa mga taga-ibang diocese. Syempre nagdala kami ng sapin-sapin ng Malabon. Grabe, mas marami pa ang iniuwi namin kaysa dinala namin: may kasuy, may inipit, may hopia, may biscocho, mayroon pang kakanin na tinatawag na “sikreto ni Lola.”

Kaya ang suggestion ko, imbes na KKB kapag picnic, baka mas maganda ang SSB, sama-samang baon.

Ano ang binagong mentalidad ni Hesus sa kanyang mga disipulo sa kuwento? Iyong “pagka-kanya-kanya.” Para sa mga alagad, iyun ang “realistic”. Alangan naman daw na pakainin nila ang lahat. Wala namang ilusyon si Hesus na pakakainin niya ang lahat. Di ba siya rin, minsan nasabihan niya si Hudas nang umangal ito na diumano’y sinayang daw ni Maria ng Betania iyong napakamahal na pabango na ibinuhos lang sa paa ni Hesus? Di ba sinabi rin ni Hesus kay Hudas, “Ang mga dukha, lagi ninyong makakasama. Pero ako, hindi lagi.” Sinabi niya iyon noong malapit na siyang arestuhin at ipako sa krus. Noong gabi ng kanilang huling hapunan—noon niya ipinaunawa sa kanila na ang pinakamahalagang ibig niyang ipabaon sa kanila ay hindi tinapay at alak kundi katawan at dugo niya. Sa madaling salita, buhay niya.

Tingnan mo ang mga tatay natin. Ang iba sa kanila matagal nang wala na dito sa mundo—pero ang mga iniwan nilang mga pabaon sa atin, nariyan pa rin, dala pa rin natin, pinagyayamanan pa rin natin, PANTAWID NATIN. Ang iminulat sa atin, ang edukasyon na tinanggap natin, ang mga pinagpaguran at iniwan sa atin, ang buhay natin.

Iyon pala ang tunay na kahulugan ng Eukrasitiya. Ang mas mahalaga na babaunin natin kaysa pagkain, ari-arian at mga abilidad ay ang malasakit natin sa isa’t isa na nagiging udyok upang ibahagi natin ang anumang bitbit natin. Hindi lang kanin at ulam kundi dugo, luha, at pawis natin. Hindi lang tinapay at alak kundi katawan at dugo, buhay natin. Ang pinagsamahan, ang pinagsaluhan, ang nabubuong pagkakaisang-puso at diwa, ito ang talagang magtatawid sa atin na baon sa daan patungo sa buhay na walang-hanggan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 3,938 total views

 3,938 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 19,924 total views

 19,924 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 27,969 total views

 27,969 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 33,049 total views

 33,049 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 38,755 total views

 38,755 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,671 total views

 2,671 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,087 total views

 7,087 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,413 total views

 2,413 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,936 total views

 2,936 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,435 total views

 4,435 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,279 total views

 5,279 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,534 total views

 3,534 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,747 total views

 7,747 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,980 total views

 6,980 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,192 total views

 11,192 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,640 total views

 4,640 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,644 total views

 4,644 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,644 total views

 4,644 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,636 total views

 4,636 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,636 total views

 4,636 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top