Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Basura mo, responsabilidad mo

SHARE THE TRUTH

 352 total views

Mga Kapanalig, kabilang ka ba sa mga naabala ng matinding pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila dulot ng masamang panahon noong mga unang linggo ng Hulyo?  

Kilo-kilometro nga ang haba ng mga sasakyan sa South Luzon Expressway dahil lumubog sa baha ang ilang bahagi ng naturang highway. Unang itinurong dahilan ang pagkasira ng daluyan ng tubig dahil may isang mall na nagsasagawa ng expansion at naapektuhan nito ang drainage system. Pero hindi rin inalis ang sisi sa mga basurang bumabara sa mga daluyan ng tubig. Ayon sa Department of Public Works and Highways (o DPWH), ang tambak ng basurang itinatapon kung saan-saan ay napupunta at bumabara sa mga estero, creek, at kanal. Matagal na nating alam na perwisyo talaga ang basura lalo na sa panahon ng tag-ulan. 

Pero kung hindi man itinatapon kung saan-saan ang basura, sinusunog naman ang mga ito. Alam ba ninyong halos tatlo sa sampung pamilyang Pilipino, o 27%, ang sinusunog ang kanilang basura? Ito ang lumabas sa isang survey na isinagawa ng Social Weather Stations (o SWS) noong Marso pero ngayong buwan lamang isinapubliko. Ang pagsusunog ng basura ay labag sa Ecological Solid Waste Management Act. Sinumang lumabag sa batas na ito ay pagmumultahin ng hindi bababa sa sampung libong piso o maaaring makulong sa loob ng hindi lalampas sa labinlimang araw. Hindi lamang polusyon ang dala ng usok mula sa basurang sinusunog. Masama rin ito sa kalusugan ng tao at maaaring maging sanhi ng sunog sa isang lugar. 

Kahit alam na natin ang masasamang epekto ng hindi wastong pagtatapon ng ating basura, bakit kaya patuloy pa rin ang marami sa atin sa ganitong gawi? Siguradong may kakulangan din ang mga lokal na pamahalaan sa pagtupad nila ng kanilang tungkuling maayos na kolektahin ang ating basura. Ngunit dahil hindi natin maasahang siento-porsyentong matitiyak ng mga lokal na pamahalaang mapupunta sa tamang lugar ang mga itinatapon nating basura, malaki pa rin ang nakaatang sa ating mga mamamayan.  

Minsan nang sinabi ni Pope Francis: “Too many of us act like tyrants with regard to creation.” Malupit tayong mga tao sa sanilikha, at kitang-kita ito sa hindi natin pagiging responsable sa ating basura. Nilalamon—o nagpalamon—na tayo sa tinatawag na “culture of waste”, isang pamumuhay kung saan ang mga bagay—kahit pa ang mga tao—ay dinidispatsa na lang natin kapag wala silang pakinabang o hindi na mapakikinabangan pa. Tuluyan na tayong naging mga alipin ng konsumerismo na, ayon nga kay Pope Francis, pinapaniwala tayong ang ating buhay ay nakasalalay sa kung ano ang mayroon tayo. At ang gusto natin ay madaling makamit ang mga bagay na ito—kahit pa lilikha ang mga ito ng basurang sisira sa ating kalikasan, magdudulot ng panganib sa ating kalusugan, at magiging sanhi ng matinding abala sa buhay natin at ng ating kapwa. Ang tila kawalan ng kontrol sa ating pagkonsumo ang sinasamantala naman ng mga tao at korporasyong habol lamang ang kumita.  

Mga Kapanalig, marami pang darating na mga bagyo at pag-ulang aanurin ang basura sa ating mga lansangan at daluyang tubig. Hindi rin natin maaasahang huhusay agad ang koleksyon ng ating mga basura kaya’t may magsusunog pa rin ng kanilang basura. Kaya naman, inaanyayahan tayong balikan at suriin ang ating pang-araw-araw ng mga gawain at ang uri ng ating pamumuhay. Sa atin magsisimula ang pagbabago, at ang pagbabago sanang ito ay maipamalas natin sa ating kapwa para kahit papaano ay mabawasan ang basurang hindi lamang umaabala sa atin kundi nakapipinsala sa atin at sa ating kapaligiran. Sabi nga sa Tito 2:7, “maging halimbawa [tayo] ng mabuting ugali.” Mabuting ugali ang pagiging responsable sa ating basura. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 1,063 total views

 1,063 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 7,036 total views

 7,036 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 12,791 total views

 12,791 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 20,054 total views

 20,054 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 28,039 total views

 28,039 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 1,064 total views

 1,064 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 7,037 total views

 7,037 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 12,792 total views

 12,792 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 20,055 total views

 20,055 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 28,040 total views

 28,040 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,060 total views

 35,060 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,064 total views

 47,064 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,106 total views

 55,106 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,663 total views

 46,663 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,088 total views

 45,088 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,874 total views

 46,874 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,799 total views

 43,799 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,113 total views

 58,113 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,803 total views

 61,803 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,406 total views

 60,406 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top