Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,283 total reads

Homiliya para sa Ika-19 na Linggo ng Karaniwang Panahon, 10 Agosto 2025, Lk 12:32-48

Ang paksa ng ating ebanghelyo ay tungkol sa pagiging mabuting katiwala, o stewardship sa Ingles. Matatandaan ninyo na minsan meron na akong naibahaging homily tungkol sa Filipino expression na “Bahala na.” Sa pagninilay natin ngayon, gusto ko sanang imungkahi na ang mas magandang salin para sa stewardship ay “pamamahala.”
Kung Bathala ang tawag ng Pilipino sa Diyos, at ito ang pinagmulan ng salitang “Bahala” at ng pandiwang “mamahala”, ibig sabihin may kinalaman para sa ating mga Pilipino may kinalaman ang pamamahala sa pag-alam at pagsasagawa ng kalooban ni Bathala.

Magandang pangunsensya ito sa lahat ng taong pinagkatiwalaan na mamahala, lalong-lalo na ang mga nasa pamahalaan—maging sa national government o local government.

Biro nyo, Filipino lang ang alam kong linggwahe sa buong mundo na gumagamit sa pangalan ng Diyos—Bathala—na pinagmulan ng salitang “bahala” at ng pandiwang “mamahala”, na ugat na salita para sa PAMAHALAAN. Ito ang babala ng ikinwentong talinghaga ni Hesus sa ebanghelyo ngayon. May dalawang klaseng tagapamahala. Iyung namumunong mababa ang loob, may pananagutan at tapat kay Bathala dahil alam nila na pinagkatiwalaan lang sila ni Bathala; at iyung umaastang akala sika na si Bathala, nagsasamantala sa kapangyarihang ipinagkatiwala lang sa kanila. Ang susi ay “tiwala” katiwala ang papel ng namamahala o namumuno sa ngalan ni Bathala. Hindi lang pala public trust o tiwala ng taumbayan ang pundasyon ng pamamahala. Higit sa lahat—Divine Trust (tiwala ng Diyos). Kumakatawan lang, hindi pumapalit, sa pinagmulan ng lahat ng biyaya. Inuuna ang kapakanan ng mga maliliit, mga dehando sa lipunan. Katulad ng ginagawa ng Diyos bilang mabuting pastol, kumakalinga, nag-aaruga, nagtatanggol nagmamalasakit, para sa kapakanan ng kawan.

Palalimin pa natin nang konti. Kaya pala marami tayong iba pang salita na nakaugnay sa “bahala”. Tulad halimbawa ng “mabahala”, na ang ibig sabihin ay maligalig sa ikinaliligalig ng iba, na ang kabaligtaran naman ay ”magwalang-bahala” na ang ibig sabihin ay umastang walang pakialam o tumalikod sa responsibilidad.

Kaya pala sinasabi ng nanay kapag iniiwan ang baby niya sa yaya, “Papasok na ako sa trabaho. Bahala ka na kay Baby, ha? Huwag mo siyang pababayaan.” Ibig sabihin—ikaw ang magsa-Bathala sa kanya dahil si Bathala ay kumakalinga, nag-aaruga, hindi nagpapabaya. O kaya naman kung minsan nasasabi natin “Bahala na” kapag parang di mo na kaya pero pilit mong kakayanin, hindi dahil naniniwala ka sa sarili, kundi dahil alam mong naniniwala si Bathala sa iyo, sa kakayahan mo. Ang ibig palang sabihin ng Bahala na ay “Gagawin ko ang lahat. Ibubuhos ko ang lahat ng kakayahan ko.” Hindi pala ito basta bulag na paglundag sa dilim kundi matinding pagpapahayag ng tiwala kay Bathalang nagtitiwala rin sa atin.

Panginoon aming Bathala, ipaunawa mo po sa amin ang iyong kalooban upang tunay naming magampanan ang aming mga tungkulin sa iyong dakilang ngalan, upang kami’y tunay na mabahala sa ikinaliligalig ng aming kapwa, at upang kami’y makapamahala nang ayon sa din sa tiwala mo sa amin. Amen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 63,397 total reads

 63,397 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 96,127 total reads

 96,127 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 197,953 total reads

 197,953 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 238,511 total reads

 238,511 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 256,400 total reads

 256,400 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 12,433 total reads

 12,433 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »

THE SAINTS OF FRANCE COME ALIVE

 10,722 total reads

 10,722 total reads One of the most beautiful moments of Pope Leo’s visit to France was the spectacular presentation at the Stade de France, where some

Read More »

FOLLOWING POPE LEO IN FRANCE

 9,691 total reads

 9,691 total reads I have been following with great interest the news and social media posts on Pope Leo XIV’s Apostolic Visit to France. I must

Read More »
Scroll to Top