VeritasPH

The Word, The Truth

Bawiin ang party-list elections

SHARE THE TRUTH

 202 total views

Mga Kapanalig, heto na naman si Pangulong Duterte sa pag-red-tag sa mga party-list groups. Noong isang linggo, nagbabala siya sa mga botanteng huwag iboboto ang mga grupong sumusuporta raw sa mga komunistang rebelde na ang tanging layunin lang daw ay kalabanin at buwagin ang gobyerno.

Binansagan niyang KABAG ang mga party-list groups na ito: “K” para sa Kabataan Party-list, “A” para sa Anakpawis, “B” para sa Bayan Muna, “A” para sa Alliance of Concerned Teachers, at “G” para sa Gabriela. Inakusahan niya ang mga itong legal fronts ng Communist Party of the Philippines (o CPP) at ng New People’s Army (o NPA). Ginagamit lamang daw nila ang kanilang puwesto sa Kongreso at ang pondong nakukuha nila upang ibigay sa mga rebelde. Katulad ng ibang nasa pamahalaang mahilig iugnay ang mga progresibong grupo sa CPP-NPA, walang pruwebang ipinakita si Pangulong Duterte upang patunayan ang kanyang paratang.

Itinatakda sa ating Saligang Batas ang pagboto ng mga party-list groups upang bigyan ang isinasantabing mga sektor ng pagkakataong magkaroon ng kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa ilalim ng Republic Act No. 7941, kailangang makakuha ang isang party-list group ng 2% ng lahat ng boto sa party-list elections upang makakuha ng upuan sa Kongreso. Kung babalikan natin ang grupong KABAG na sinasabi ni Pangulong Duterte, malinaw ang mga kinakatawan nilang mga sektor: mga kabataan, manggagawa, magsasaka, guro, at kababaihan. Ang mga panukalang batas na isinulong nila ay para sa kapakanan ng mga kinakatawan nilang sektor: dekalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral, sapat na sahod para sa mga manggagawa, sariling lupa para sa mga magsasaka, maayos na benepisyo para sa mga guro, at proteksyon para sa mga babae at kanilang mga anak.

Sasang-ayon pa siguro tayo kay Pangulong Duterte kung sinabi niyang huwag iboboto ang mga party-list groups na hindi naman kumakatawan sa mga tinatawag na marginalized and underrepresented sectors. At mas marami ang mga ito kaysa sa mga tunay na nagsusulong ng interes ng mga nasa laylayan ng ating lipunan. Ayon nga sa grupong Kontra Daya, mayorya sa 177 na party-list groups na tumatakbo sa halalan ngayong taon ay konektado sa makapangyarihang mga indibidwal at grupo. Sa bilang nila, 120 na party-list groups o 67% ng nasa balota ay may kaugnayan sa mga pulitiko at political clans, malalaking negosyo, o mga opisina ng gobyerno o ng militar. May ilan ding binuo sa tulong ng mga indibidwal na may nakabinbing kaso sa korte, may kinakaharap na kaso, o may kaduda-dudang adbokasiya. Sabi nga ng Kontra Daya, na-hijack o inagaw na ng mga makapangyarihan ang party-list system na nakalaan dapat sa mga walang boses sa pamahalaan.

Bagamat hindi perpekto, ang demokratikong sistema ng pamamahala ay pinahahalagahan ng Santa Iglesia dahil tinitiyak nito ang pakikilahok ng mamamayan sa pagpili ng mamumuno sa kanila, pagpapanagot sa kanila, at pagpapalit sa kanila sa pamamagitan ng mapayapang paraan ng pagboto. Isa sa mga pamantayang dapat hinahanap sa isang demokratong pamamahala ay kung tunay nitong isinusulong ang kabutihang panlahat o ang tinatawag nating common good. Ang party-list system, kung magiging tapat lamang tayo sa layunin nito, ay isang mabuting paraan upang maitaguyod ang common good sa ating bansa. Ngunit kung kontrolado na ito ng mga makapangyarihan at ginagamit na ito para sa makikitid nilang interes, hindi ba tayo rin ang sumira sa magandang layunin ng pagpili ng mga party-list groups?

Mga Kapanalig, bilang “asin ng sangkatauhan” at “ilaw ng sanlibutan”, wika nga sa Mateo 5:13-14, kasama sa pananagutan natin sa pagpapatibay ng ating demokrasya at pagtataguyod ng kapakanan ng ating bayan ang pagpili ng tama ngayong eleksyon. Gawin din natin ito para sa mga pipiliin nating party-list groups.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 5,827 total views

 5,827 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 13,812 total views

 13,812 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 21,348 total views

 21,348 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 37,334 total views

 37,334 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 45,378 total views

 45,378 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 5,828 total views

 5,828 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 13,813 total views

 13,813 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 21,349 total views

 21,349 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 37,335 total views

 37,335 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 45,379 total views

 45,379 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,519 total views

 45,519 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,944 total views

 43,944 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,730 total views

 45,730 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,655 total views

 42,655 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,969 total views

 56,969 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,659 total views

 60,659 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,262 total views

 59,262 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,249 total views

 69,249 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,217 total views

 73,217 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,104 total views

 84,104 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top