5,247 total views
Kinilala ng Caritas Manila ang 46-donors at benefactors na regular na nagbibigay ng donasyon upang makatulong sa mga adboaksiya ng Social Arm ng Archdiocese of Manila.
Ginawa ang pagkilala sa ‘Isang pasasalamat: Agape’ ng Caritas Manila.
“Forty-six Caritas Manila donors received recognition yesterday, 5 November 2024, at the Arzobispado de Manila in Intramuros, for their invaluable support of the charity’s programs, Caritas Manila held its 3rd “Isang Pasasalamat: Agape” this year, a thanksgiving luncheon to honor and thank its patrons,” pagbabahagi ng Caritas Manila.
Personal na ginawaran ng parangal ni Caritas Manila Chairman Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga indibidwal, kompanya at samahan na patuloy ang pakikiisa sa Caritas Manila .
Kasama ni Cardinal Advincula si Father Anton Ct Pascual – Caritas Manila Executive Director, iba pang opisyal at Board of Trusses ng Social Arm sa pagkilala at pasasalamat sa mga dumalo sa Agape.
“Present at the event were members of the Board of Trustees: His Eminence Jose F. Cardinal Advincula, Archbishop of Manila and Caritas Manila Chairman; Rev. Fr. Anton C.T. Pascual, Caritas Manila Executive Director; Mr. Ramon R. del Rosario, Jr., Vice Chairman of the Board of Trustees; Most Rev. Honesto Ongtioco; Ambassador Jesus Tambunting; Ms. Esther Santos, PLDT-Smart Foundation President and Mr. Manny V. Pangilinan’s representative; Rev. Fr. Gilbert Kabigting, Treasurer; and Atty. Adelina Gatdula, Corporate Secretary, to all our individual, corporate, and community donors, a huge thank you for your generosity and may you continue to support the poor through us,” ayon pa sa mensahe ng Caritas Manila.
Unang kinilala sa nakaraang Agape ang mga personlidad sa sektor ng pagnenegosyo tulad ni Billionaire Busineswoman at CEO ng Sta. Elena Construction Alice Eduardo na 13-taong donor ng Caritas Manila.
Ang mga nalilikom na donasyon ng Caritas Manila ay inilalaan sa mga programang nakatuon sa disaster response, livelihood education and rehabilitation, integrated feeding programs at educational scholarship para sa mga pinakamahihirap o pinakanangangailangan sa lipunan.