Mananampalataya, inaanyayahan sa National Fatima Convention

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,852 total reads

Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima Philippines ang mananampalataya na makiisa sa National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion sa December 10, 2024.

Ayon sa WAF Philippines na pinamunuan ni Sis. Ambrocia Palanca, layunin ng pagtitipon na paalalahanan ang mga deboto sa mahalagang mensaheng iniwan ng Mahal na Birheng Maria nang magpakita kay Sr. Lucia dos Santos noong 1925.

“The national gathering is in preparation for next year’s 100th anniversary of the apparition of Our Lady to Venerable Sr. Lucia in Pontevedra, Spain to request the establishment of the devotion of the Five First Saturdays,” ayon sa pahayag ng WAF Philippines.

Tampok sa national convention na isasagawa sa mary Mother of Hope Chapel ng Landmark-Trinoma ang panayam ni Sr. Angela de Fatima Coelho, ang Postulator ng Causes of Canonization nina San Francisco at Santa Jacinta Marto, Vice Postulator ng Cause of Canonization naman kay Sr. Lucia, at kasalukuyang Superior General ng Aliança de Santa Maria, Portugal.

Nakatuon ang tema ng convention sa ‘“The Story Continues: Know, Live, and Spread the Fatima Message’ upang mapalalim ang kamalayan ng mananampalataya sa mga mensahe ng Mahal na Ina na iniwan sa tatlong bata sa Fatima Portugal.

“It also aims to make known to the Filipinos the authentic Message of Fatima as approved by the Church especially the Communion of Reparation on the First Saturdays of the month and the need for consecration of the country and the world to the Immaculate Heart of Mary,” pahayag ng grupo

Bukod dito nais din ng WAF Philippines na maitatag ang Five First Saturdays Devotion sa 87 diyosesis sa bansa alinsunod na rin sa rekomendasyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Tatalakayin ni Sr. Coelho sa kanyang panayam ang paksang “The Immaculate Heart of Mary: A Light for Today’s World” at ang “The Children of Fatima: Models of Holiness” habang si Iba Bishop Bartolome Santos, Jr. naman sa paksang “The Message of Fatima: A Call to Prayer and Hope”.

Samantala “The Message of Fatima: The Call for Reparation and Consecration” naman ang tatalakayin nina WAF Philippines National Spiritual Director, Digos Bishop Guillermo Afable, kasama sina Sr. Coelho at WAF National Formation Coordinator Debra Andales.

Inaasahan ang pagdalo ng may 2, 000 deboto sa maghapong gawain na magtatapos sa isang Banal na Misa na pangungunahan ni Dipolog Bishop Severo Caermare ang chairperson ng CBCP Episcopal Commission on the Laity.

Kasabay nito ang paglunsad sa pagbisita ng First Saturday Devotion Pontevedra Centenary Image sa 2025.

Suportado ng CBCP ang national convention na pinagkasunduan sa nakalpas na plenary assembly noong Hulyo habang binigyang diin naman ng Dicastery for Laity, Family and Life ng Vatican ang kahalagahan ng Five First Saturdays Devotion na mabisang paraan sa pagsusulong ng sakramento ng pagbabalik loob, Banal na Eukaristiya, gayundin ang pananalangin ng Santo Rosaryo.

Sa mga nagnanais dumalo sa national convention makipag-ugnayan sa WAF Philippines sa email [email protected] o tumawag sa 09157002826.

Katuwang ng WAF Philippines sa gawain ang CBCP, Diocese of Cubao, at ang Landmark Trinoma Mall.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 56,112 total reads

 56,112 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 94,473 total reads

 94,473 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 128,601 total reads

 128,601 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 185,007 total reads

 185,007 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top