Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Biktima ng Martial law, tunay na bayani

SHARE THE TRUTH

 1,675 total views

Ang tunay na mga bayani ay ang mga naging biktima ng Batas Militar o Martial Law at hindi si dating Pangulong Ferdinand Marcos na lumapastangan sa karapatang pantao ng mga mamamayan.

Ayon kay Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) Vice Chairman Fr. Eduardo Apugan, tunay na dapat na bigyang parangal ay ang mga indibidwal na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaang tinatamasa ng bansa sa ngayon.

Kaugnay nito, hinimok ng Pari ang lahat na magsama-sama upang tutulan ang nagaganap na pagbabaliktad sa kasaysayan o revision of history”ng bansa at ang pagpaparangal sa maling tao na nagdulot ng malaking kapinsalaan sa bayan.

“ang tunay na bayani ay ang mga naging biktima ng Martial Law, ang mga tunay na dapat bigyan ng parangal ay ang mga tao na nawala na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita, para sa amin kung ito ay ang pagbaliktad ng kasaysayan ay hindi namin ito papayagan”. pahayag ni Father Apugan sa Radio Veritas.

Ika-8 ng Nobyembre ng lumabas ang desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, ngunit makalipas lamang ang 10-araw ay palihim nang inihimlay ng pamilya Marcos ang mga labi ng dating Pangulo sa 103-hektaryang Libingan ng mga Bayani noong ika-18 ng Nobyembre.

Kaugnay rin nito, ika-29 ng Nobyembre ng ipinag-utos ng Supreme Court (SC) sa kampo ng pamilya Marcos at Office of the Solicitor General (OSG) na magkomento sa dalawang inihaing motion for reconsideration (MR) at ilang petisyon ng mga grupong kontra sa paglibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa loob ng 10-araw.

Sa tala, sa ilalim ng Martial Law, aabot sa higit 3,200 ang pinaslang habang higit 75-libong indibidwal ang lumapit sa Human Rights Claims Board na biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Batas Militar at Rehimeng Marcos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 14,638 total views

 14,638 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 22,738 total views

 22,738 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 40,705 total views

 40,705 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,946 total views

 69,946 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 90,523 total views

 90,523 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,556 total views

 6,556 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top