Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Alminaza, positibo sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

 481 total views

Muling nagpositibo sa COVID-19 si San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza.

Ayon sa inilabas na pahayag ni Diocese of San Carlos Chancellor Fr. Marjun Almario, bagamat nagpositibo sa virus ay asymptomatic o wala namang nararamdamang sintomas si Bishop Alminaza.

“I regret to inform the faithful that Most. Rev. Gerardo A. Alminaza, D.D., Bishop of San Carlos, has been tested POSITIVE for COVID-19 AGAIN. He is asymptomatic. However, he is required to ISOLATE himself for the time being,” pahayag ni Fr. Almario.

Gayunman, hinihikayat ng pari ang lahat ng mga nakasalamuha ni Bishop Alminaza na agad na sumailalim sa home quarantine at makipagtulungan sa mga kinauukulan para sa nararapat na health protocol.

Samantala, hinihiling naman ni Fr. Almario ang panalangin para sa agarang paggaling ni Bishop Alminaza, maging ang ibang mga COVID-19 patients.

 

 

Idinadalangin din ng pari ang kaligtasan ng mga medical frontliners sa kabila ng panganib na mahawaan ng COVID-19 upang mabigyang-lunas ang mga higit na apektado ng nakakahawa at nakamamatay na virus.

“We ask for everyone’s prayers for his fast healing as well as for other COVID-19 patients. Let us continue as well to pray for those in the frontlines who are constantly taking risks to care for us,” saad ni Fr. Almario.

Matatandaang unang nagpositibo sa COVID-19 si Bishop Alminaza nitong Hunyo nang kasalukuyang taon at sumailalim sa 6-day confinement at 21-day quarantine.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 10,138 total views

 10,138 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 24,098 total views

 24,098 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 41,250 total views

 41,250 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 91,687 total views

 91,687 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 107,607 total views

 107,607 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 37,931 total views

 37,931 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top