5 Pari na lamang ang hindi bakunado sa Diocese of Baguio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 569 total views

Naitala sa Baguio City na 45-porsyento ng kabuuang populasyon ng lungsod ang fully vaccinated na laban sa coronavirus disease.

Batay sa Baguio City Health Department, nasa mahigit 120,000 residente mula sa kabuuang populasyon ng lungsod na 281,000 ang kumpleto na sa COVID-19 vaccine.

Kabilang sa mga nabakunahan na ang mga kawani mula sa Diyosesis ng Baguio kung saan ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico ay nasa limang pari na lamang ang hindi pa bakunado laban sa virus.

“[Five] of my priests remain unvaccinated out of 50. Most of the curia, cathedral, diocesan radio station personnel received the vaccination,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

 

 

Samantala, kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng General Community Quarantine ang Baguio City at ang buong lalawigan ng Benguet hanggang Setyembre 30, 2021.

Gayundin ay pinapahintulutan lamang ang 30 percent seating capacity para sa mga religious activities sa Benguet, habang 20 percent naman sa Baguio CIty.

Sa ulat ng Baguio City COVID-19 Monitoring, umabot na sa mahigit 21,000 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod habang nasa halos 3,000 ang kasalukuyang bilang ng mga aktibong kaso.

Patuloy namang ipinapaalala ng simbahan sa publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa virus tungo sa ganap na kaligtasan ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 33,792 total views

 33,792 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 158,203 total views

 158,203 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 200,954 total views

 200,954 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 279,851 total views

 279,851 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top