Bishop Uy, pinasalamatan ang local government sa ginawang post election cleanup

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,893 total views

Nagpaabot ng pasasalamat si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa inisyatibo at dedikasyon ng Tagbilaran City Government na magsagawa ng post-election cleanup kasunod ng katatapos lamang na 2025 Midterm National and Local Elections.

Ayon sa Obispo, nawa ay maging inspirasyon ang inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Tagbilaran sa iba pang mga karating na lugar at sa buong bansa upang pangunahan ang pangangasiwa sa muling pagsasaayos ng kalinisan at kaayusan ng pamayanan matapos ang naganap na halalan.

Ipinaliwanag ni Bishop Uy na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat kasapi ng lipunan ay matitiyak ang pagkakaroon ng ligtas, malinis, malusog, masagana at maunlad na lipunan.

“A heartfelt thank you to the Tagbilaran City Government for your dedication in carrying out post-election cleanup. Your initiative serves as an inspiring example for other towns and cities across the Philippines to follow. By working together through such collective efforts, we can create a healthier, cleaner, and more sustainable nation for all. Let’s continue partnering towards a brighter and better future!” Bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Unang binigyang diin ng Obispo na kaakibat ng patuloy na paninindigan ng Simbahan para sa pangangalaga sa kalikasan ang pagsusulong ng malinis at responsableng pamamahala sa bansa.

Kaugnay nito sa tala ng environment watchdog na Ecowaste Coalition, noong 2016 national elections umabot sa 206 na toneladang basura ang nakolekta, nasa 200 toneladang basura naman noong 2019 midterm elections habang noong 2022 national elections ay tumaas ito ng halos 20% na umabot sa 254 na toneladang basura.

Samantala sa kasalukuyan sa Kalakhang Maynila batay sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), umaabot na sa mahigit 11 tonelada ng basura ang nakolekta sa National Capital Region pa lamang mula noong araw ng halalan na kinabibilangan ng iba’t ibang campaign materials na ginamit sa pangangampanya ng mga kandidato sa nakalipas na eleksyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 1,719 total views

 1,719 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 24,878 total views

 24,878 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 46,153 total views

 46,153 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 219,105 total views

 219,105 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top