ATM, umalma sa pagpapawalang bisa ng Korte Suprema sa blanket ban sa mining

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,382 total views

Naglabas ng pahayag ang Alyansa Tigil Mina (ATM) kasunod ng naging desisyon ng Korte Suprema na nagpapawalang-bisa sa mga lokal na ordinansang nagpapataw ng blanket ban o malawakang pagbabawal sa pagmimina.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, bagamat kinikilala ng grupo ang batayang legal ng desisyon—lalo na ang paliwanag ni Associate Justice Marvic Leonen—may malinaw itong epekto sa mga umiiral na inisyatiba ng mga lokal na pamahalaan upang pigilan ang mapaminsalang pagmimina sa mga pamayanan.

“In the real world where mining corporations and political dynasties rule economic decision and management of our natural resources, this is not a just interpretation, from our simple view,” ayon kay Garganera.

Bagamat bahagyang dismayado, iginagalang ng ATM ang paliwanag ng Korte Suprema na hindi maaaring ipagbawal ng isang local government unit (LGU) ang lahat ng uri ng pagmimina sa pamamagitan ng blanket ordinance, ngunit maaaring gamitin ang kapangyarihan upang pahintulutan o tanggihan ang mga partikular na proyekto.

Dahil dito, nanawagan ang ATM sa mga legal at public interest groups na agad magsagawa ng briefing para sa mga environmental at climate justice advocates, gayundin sa mga apektadong komunidad upang makabuo ng kolektibong tugon at estratehiya.

Tiniyak rin ng grupo ang patuloy na pagsuporta at pakikiisa sa mga lokal na pamahalaan at mamamayang tumatanggi sa pananamantala sa likas-yaman ng bansa, kasabay ng lumalalang krisis sa klima, kahirapan, at kagutuman.

“This [Supreme Court] decision only means we have to calibrate our approach and make interventions to biodiversity protection, climate resilience and sustainable development while using all the available powers and platforms of local autonomy,” dagdag ni Garganera.

Una nang binigyang-diin ng yumaong Papa Francisco sa Laudato Si’ na tungkulin ng pamahalaan na pagtibayin ang pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan at sa mahihirap na mamamayang apektado ng pagkasira ng kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 20,860 total views

 20,860 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 44,012 total views

 44,012 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 114,126 total views

 114,126 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 188,740 total views

 188,740 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 267,318 total views

 267,318 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top