Bishop Villarojo, nagbabala laban sa cover-up ng mga kaso ng pang-aabuso sa mga menor-de-edad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,664 total reads

Nanindigan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na walang puwang ang pagtatakip at kapabayaan sa loob ng Simbahan sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga menor de edad at vulnerable adults.

Ito ang mariing babala ni Malolos Bishop Dennis Villarojo, chairman ng CBCP Office for the Protection of Minors and Vulnerable Persons sa mga religious superiors na dumalo sa national convention ng Conference of Major Superiors in the Philippines o CMSP sa Zamboanga City.

Binigyang-diin ni Bishop Villarojo na hindi dapat maging dahilan ang mga umiiral na safeguarding protocols upang maging kampante ang mga lider ng Simbahan sa anumang uri ng pang-aabuso.

“The fact that action is being taken to deal with sex abuse cases should not, however, give us a spirit of complacency, because one case is more than what we can tolerate,” ayon kay Bishop Villarojo.

Ayon sa obispo, dapat harapin ng Simbahan ang sariling mga pagkukulang at tiyaking hindi natatabunan ng pagkakapatiran o personal na relasyon ang pananagutan.

Babala ng obispo na maaaring managot mismo ang mga lider na magtatakip o magpapabaya sa paghawak ng mga kaso.

“Any form of cover-up or negligence can make the point person liable to a separate investigation which may lead to removal from office,” babala ni Bishop Villarojo.

Iginiit ng pastol na hindi sapat ang pagkakaroon ng mga patakaran upang masabing ligtas ang isang komunidad.

“To create safe communities within the Church, we must first acknowledge our failures in this regard,” aniya.

Iginiit ng obispo na ang responsibilidad sa proteksiyon ng mga bata at vulnerable adults ay hindi lamang tungkulin ng iilang safeguarding officers kundi ng buong komunidad.

Binigyang-diin din ni Bishop Villarojo na ang tunay na ligtas na komunidad ay dapat higit pa sa isang sistemang nakatuon lamang sa pag-iwas sa pang-aabuso.

“‘Safe’ does not only mean having all the systems in place to prevent any form of abuse. That community may be safe, but it may also be antiseptic, and even toxic,” saad ni Bishop Villarojo.

Ayon sa obispo, kailangang maging tapat sa pananampalataya, masaya sa paglilingkod, disiplinado sa pamumuhay at masigasig sa misyon ang mga religious community dahil mahalagang paraan din ito sa paghikayat sa mga kabataan na pumasok sa buhay relihiyoso.

“It is logical to postulate that a safe community is more attractive to young people than those that are perceived not to be.”

Pinangangasiwaan ni Bishop Villarojo ang tanggapan ng CBCP na nagbibigay ng suporta sa mga diyosesis sa pagtatatag ng safeguarding structures at sa mga hakbang para sa prevention, protection, investigation at restoration.

Ang CMSP convention ay isinasagawa sa Zamboanga City mula Setyembre 1 hanggang 5 sa temang “Consecrated Persons: Prophetic Witnesses of Peace in a Wounded World.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 41,558 total reads

 41,558 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 146,364 total reads

 146,364 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 232,474 total reads

 232,474 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 302,608 total reads

 302,608 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 334,552 total reads

 334,552 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top