Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bonifacio day, paalala ng patuloy na laban sa tunay na kalayaan

SHARE THE TRUTH

 3,906 total views

Ang paggunita ng Bonifacio Day tuwing ika-30 ng Nobyembre ay isang paalala sa mga suliraning panlipunan na naging mitsa ng rebolusyon na umiiral parin sa ngayon.

Ito ang ibinahaging reyalidad ni Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm, kaugnay sa paggunita ng ika-159 na kaarawan ni Andres Bonifacio.

Ayon sa Pari na executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), ito ay paalala at hamon na ipagpatuloy ang pakikibaka upang makamit ng tunay na kalayaan, katarungan, pagkakapatiran at pagkakapantay-pantay sa lipunan.

“Tingin ko ang relevant ng Bonifacio Day sa ngayon sa atin ay unfinished na mga gawain, so kailangan nating ipagpatuloy upang makamit ang totoo ang tunay na kalayaan, tunay na katarungan, tunay na pagkakapatiran, tunay na lipunan na malaya, may katarungan, may equality pagkakapantay-pantay…” paglilinaw ng pari sa Radio Veritas.

Sinabi ng Pari na inspirasyon ng bawat isa si Gat Andres Bonifacio upang makamtan ang ganap na kalayaan at katarungan.

Tinukoy ni Fr. Buenafe ang paglaban sa laganap na karahasan at serye ng pagpaslang na sumisiil sa kalayaan at katarungan sa bansa.

“We can also get inspiration from Gat Andres Bonifacio, na ang pakikibaka tungo sa tunay na kalayaan, katarungan, yung struggle ng freedom and justice ay very relevant until ngayon. Alam natin yung mga freedoms and rights are violated like the right to life, killings are increasing and killings are happening everyday so I think the struggles of Bonifacio more than hundred years ago for freedom, for rights, karapatan at kalayaan at katarungan ay hindi lamang relevant pero real pa rin ngayon.” Dagdag pa ni Fr. Buenafe.

Si Gat Andres Bonifacio ay tinaguriang Father of the Philippine Revolution at isa sa mga bayani na nagsulong ng kasarinlan ng bansa laban sa pananakop ng mga Espanyol.

Sa bahagi ng pananampalatayang Katoliko, hindi nalalayo ang mga katangian ng isang martir o santo ng Simbahan sa isang bayaning nagsulong ng tunay na katarungan para sa kanyang bayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 24,326 total views

 24,326 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 48,111 total views

 48,111 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 60,346 total views

 60,346 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 245,985 total views

 245,985 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 275,855 total views

 275,854 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 16,336 total views

 16,336 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top