Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 629 total views

Mga Kapanalig, tuwing dumarating ang panahon ng eleksyon, madalas nating naririnig ang mga tinatawag na “significant blocs” o mga grupong sinusuyo ng mga kandidato upang makuha ang kanilang boto. Nariyan ang boto ng mga grupong batay sa probinsya o wikang ginagamit katulad ng mga Ilokano, Bikolano, at Bisaya. Nariyan din ang boto ng mga religious groups katulad ng Iglesia ni Cristo. Bagamat 80% ng populasyon ng Pilipinas ay mga Katoliko sa papel, hindi natin masasabing mayroong “Catholic vote”.

Isa pa sa itinuturing na significant bloc ngayong halalan ay ang mga kabataan. Bakit nga ba mahalaga ang tinatawag na youth vote?

Sa dami ng kabataan ngayon, maituturing silang malakas na puwersa sa ating bayan. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (o PSA), ang mga Pilipinong edad 18 hanggang 24, na kinabibilangan ng mga boboto sa unang pagkakataon sa darating na eleksyon, ay bumubuo sa 13% ng ating populasyon. Nasa 19% naman ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang mga nasa edad 24 hanggang 34, at marami sa kanila ang maituturing pa ring bahagi ng kabataan o youth. Sa datos naman ng Commission on Elections (o COMELEC), 33% ng mga rehistradong botante ay mga 18 hanggang 33 taong gulang.

Hangad natin ang aktibong paglahok ng kabataan sa darating na eleksyon. Piliin din sana nila ang mga kandidatong magiging kaagapay nila sa kanilang pagsuong sa ‘ika nga’y tunay na buhay sa labas ng paaralan at sa loob ng kani-kanilang buhay-pamilya at pipiliing karera. Ngunit bago nito, mahalagang nalalaman din nilang ang mga nangyayari sa ating lipunan ay nakaaapekto sa kanilang buhay, at sila ay may tungkulin ding mag-aambag sa positibong pagbabago sa ating bayan. Sa isang banda, mahalagang natutugunan ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng kabataan katulad ng maayos na edukasyon at sapat na oportunidad upang makapaghanapbuhay. Sa kabilang banda, inaasahan din natin ang kabataang maging responsable hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para sa kanilang pamilya at kapwa.

Malaki ang hamong kinakaharap ng kabataang Pilipino lalo na sa panahong maraming umaagaw ng kanilang oras at atensyon. At sa maraming pagkakataon, nagiging hadlang ang mga ito sa aktibo nilang pakikilahok sa pulitika at iba pang bagay sa labas ng kanilang personal na buhay. Marami pang kailangang gawin upang ang kanilang pagkahumaling, halimbawa, sa teknolohiya, internet, at social media ay magamit para sa pagmumulat sa kanila sa kung ano ang tama at mabuti para sa kanilang sarili at sa lipunang kanilang ginagalawan.

Hindi rin naman magagabayan ng mga nakatatanda ang kabataan sa kanilang paglalakabay sa buhay kung hindi natin sila pakikinggan at uunawain ang kanilang mga hangarin at pangarap. Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang apostolic exhortation na Christus Vivit, hindi kasiya-siya para sa ating Panginoon ang mga nakatatandang mababa ang pagtingin sa kabataan. Ang pagiging may-edad ay hindi nangangahulugang may pribilehiyo ang isang tao at ang pagiging bata ay hindi nangangahulugang may mababa siyang dignidad. Sabi nga sa 1 Timoteo 4:12, huwag hayaang hamakin ang sinuman dahil sa kanyang kabataan.

Samantala, kailangan ding makinig ang kabataan sa mga nakatatandang mayaman na sa karanasang magtuturo sa kanilang huwag nang ulitin ang kanilang mga pagkakamali at matuto sa nakaraan. Wika nga sa Mateo 13:52, ang mga nakatatanda ay “naglalabas ng mga bagay na bago at luma mula sa kanyang taguan ng kayamanan.” Ang karunungang ito ang dapat na ibinabahagi natin sa kabataan—hindi mga maling impormasyon, mga baluktot na pananaw, at mapanghusgang pagtrato sa kanilang kapwa.

Kaya naman, mga Kapanalig, maging pagkakataon sana ang darating na halalan upang magkadaupang-palad ang kabataan at mga nakatatanda upang kapwa silang humarap sa isang mas magandang bukas.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 3,911 total views

 3,911 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 9,884 total views

 9,884 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 15,639 total views

 15,639 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 22,902 total views

 22,902 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 30,887 total views

 30,887 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 3,912 total views

 3,912 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 9,885 total views

 9,885 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 15,640 total views

 15,640 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 22,903 total views

 22,903 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 30,888 total views

 30,888 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,303 total views

 35,303 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,307 total views

 47,307 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,349 total views

 55,349 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,906 total views

 46,906 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,331 total views

 45,331 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,117 total views

 47,117 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,042 total views

 44,042 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,356 total views

 58,356 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,046 total views

 62,046 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,649 total views

 60,649 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top