Bumoto ayon sa konsensya

SHARE THE TRUTH

 326 total views

Mga Kapanalig, “take the bait but not the hook.”

Payo ito sa mga botante ng yumaong Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin noong eleksyong ginawa sa mga huling taon ng rehimeng Marcos. Ipinahihiwatig sa mga salitang ito ni Cardinal Sin na kahit pa tinatanggap ng mga botante ang bait o ang perang ipinapain ng mga pulitiko, sa huli, ang mahalaga ay hindi sila magpahuli sa pangawit o hook. Sa kabila ng laganap na vote buying noong eleksyong iyon, nanalo si Cory Aquino bagamat pinilit palabasin ni Pangulong Marcos, na naglabas ng limpak-limpak na salapi upang suhulan ang mga tao, na siya ang nanalo.

Noong nakaraang linggo, naging usap-usapan ang mga binanggit ni Vice President Leni Robredo sa isang interview na bagamat mali ang pagbebenta at pagbili ng boto, hindi maiiwasang tanggapin ng mga botante ang iniaalok sa kanilang pera. Tanggapin ang pera, ngunit bumoto ayon sa konsensya, paliwanag ng bise presidente. Gaya ng inaasahan, nagpanting ang tainga ng mga taong naniniwalang mali ang vote buying. Ngunit kung pakikinggan ang buong interview kay VP Leni, malinaw na tinututulan niya ang vote buying at wala siyang balak at kakayahang gawin ito. Kung inyo ring matatandaan, umani rin ng batikos ang sinabi ni Pangulong Duterte noong halalan ng 2019 na “integral part” o hindi mawawalang bahagi ng ating eleksyon ang vote buying.

Ipinagbabawal sa ating Omnibus Election Code ang pagbebenta at pagbili ng boto. Election offense ang pamimigay at pagtanggap ng pera o anumang bagay na may halaga kapalit ng pagboto sa isang kandidato o ng hindi pagboto. Sa kabila ng pagiging labag sa batas ng vote buying at vote selling, tila mahirap na talagang maputol ang ugat nito sa ating kulturang pulitikal. Umaasa na kapwa ang mga botanteng tumatanggap at ang mga pulitikong namimigay na magkakabilihan at magkakabentahan ng boto tuwing panahon ng kampanya.

Sinasabi ring ang mahihirap ang pangunahing target ng vote buying. Kung magiging praktikal ka nga naman, malaking bagay na ang limandaang piso para sa isang Pilipinong walang maipakain sa kanyang pamilya o hindi man lang makabili ng kanyang gusto. Ngunit sa isang pag-aaral ng Ateneo at AIM noong 2018, lumabas na bagamat tinatanggap ng mga botante ang perang suhol sa kanila, dalawa lamang sa tatlong botante ang bumoto para sa kandidatong bumili ng kanilang boto. Ibig sabihin, hindi garantiya ang pagbili ng boto upang makuha ng mga pulitiko ang boto ng kanilang mga sinusuhulan. Dagdag pa ng mga nagsaliksik, ang vote buying ay bahagi lamang ng mas malaking hakbang ng mga pulitiko na magkaroon ng utang na loob ang mga tao sa kanila. Ito ang tinatawag nating clientelism at patronage politics.

Wala sa posisyon ang Simbahan upang diktahan ang mga Katolikong botante kung sino ang dapat nilang piliin sa eleksyon. Wala rin ito sa posisyong husgahan ang mga taong nagpapasya batay sa kanilang pinipiling isaalang-alang. Ang pangunahing tungkulin nito ay ang hubugin ang konsensya ng mga tao nang sa gayon ay piliin nila ang tama, tuwid, at mabuti. Pagbibigay-diin nga ni Pope Benedict XVI sa Catholic social teaching na Deus Caritas Est, tumutulong ang Simbahang hubugin ang konsensya ng mga mananampalataya upang sa kanilang paglahok sa buhay-pulitika, makikibahagi sila sa pagtataguyod ng tunay na katarungan kahit pa salungat ito sa kanilang personal na interes.

Mga Kapanalig, ang pagboto ay isang konkretong pagsasabuhay ng nasasaad sa 1 Corinto 10:24: “Huwag lamang ang sarili ninyong kapakanan ang inyong isipin kundi ang kapakanan din ng iba.” Sa pagpili ng ating mga pinuno, humingi tayo ng tulong sa Diyos upang piliin ang ibinubulong ng ating konsensya, ang konsensyang nagpapaalala sa ating may pananagutan tayo sa ating kapwa at sa bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 64,214 total views

 64,214 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 68,193 total views

 68,193 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 79,085 total views

 79,085 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 91,527 total views

 91,527 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 102,288 total views

 102,288 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 64,215 total views

 64,215 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 68,194 total views

 68,194 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 79,086 total views

 79,086 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 91,528 total views

 91,528 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 102,289 total views

 102,289 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,568 total views

 51,568 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 51,113 total views

 51,113 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 53,337 total views

 53,337 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,837 total views

 46,837 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 46,188 total views

 46,188 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 52,056 total views

 52,056 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,802 total views

 55,802 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,752 total views

 61,752 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 41,939 total views

 41,939 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 53,058 total views

 53,058 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top