Paano naman kami?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 783 total reads

Pakinggan ang panawagan ng mga jeepney driver na labis ng naapektuhan ng pandemya.

Ito ang isa sa apela ni Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) President Melencio ‘Boy’ Vargas sa pamahalaan sa pilot-testing ng pagtataas sa 70% seating capacity ng mga Public Utility Vehicles (PUV) mula sa kasalukuyang 50% sa National Capital Region (NCR) at karatig lalawigan sa ika-4 ng Nobyembre 2021.

Bukod sa pagtaas ng seating capacity ay iginigiit din ng ALTODAP at iba pang jeepney groups ang fare hike at tulong pinansiyal bukod sa ipapamahaging fuel subsidy sa mga tsuper ng pampasaherong jeep.

“Ako doon sa sinasabi namin na 70% mag-iistart yung 70% ng November 04, pero hindi lang yan hinihiling namin para yung sa tungkol don sa pera eh iaatras namin, patuloy yan, tatlong aspeto yan…ang una diyan na yung 100% full capacity, pagkatapos may subsidy bukod pa yung fuel subsidy,” ayon kay Vargas sa kaniyang panayam sa Radio Veritas.

Pinangangambahan ni Vargas na ginagamit ng pamahalaan ang pandemya upang isulong ang total phase out ng mga traditional jeepneys alinsunod sa Public Utility Vehicle Modernization (PUVM) ng gobyerno.

“Yun ang isang ipinagtataka namin, parang ginamit nila itong pandemic sa mga traditional jeep na sinasabi nilang parang gusto na talaga nilang alisin, yun ang isang masakit sa amin sa traditional jeep. Unang-una yung mga ruta ng jeep ay pinapasok na ng bus”.pahayag ni Vargas.

Isinusulong din ng ALTODAP na makabalik sila sa nakagawiang ruta dahil sa bagong ruta ay walang pasaherong sumasakay.

“Bigyan kita ng example, sa Antipolo-Cubao pinasok ng bus yan,yung linya namin diyan inilihis kami- yung via sumulong . Binuksan nga yung Antipolo-Cubao pero hindi diyan pinadaan, sa Imelda avenue, ano namang makukuha naming pasahero doon”.ayon kay Vargas.

Binigyang diin din ni Vargas ang kaniyang panawagan sa pamahalaan na isipin ang kapakanan at ikinabubuhay ng mga jeepney drivers at operators bunsod ng pagkalugi nararanasan ng dahil sa COVID-19 Pandemic.

Upang matulungan ang sektor sa Metro Manila na makasabay sa isinusulong na jeep moderinization ng pamahalaan ay una ng inilunsad ng Caritas Manila ang pagsasangkot sa ilang mga PUJ drivers upang maging miyembro ng Caritas Salve na itinalagang kooperatiba ng Social arm ng Archdiocese of Manila para sa mga mga jeepney drivers.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 6,834 total reads

 6,834 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 19,232 total reads

 19,232 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 123,781 total reads

 123,781 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 164,339 total reads

 164,339 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 184,793 total reads

 184,793 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 232,826 total reads

 232,826 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top