Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, may paalala sa cremation ng mga namayapa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 897 total views

Bagama’t pinapahintulutan ang ‘pagsusunog ng abo’ ng mga namayapa ay ipinapaaalala ng simbahan na kailangan maihimlay ang ‘abo’ sa lalung madaling panahon.

Paliwanag ni Fr. Nap Baltazar-exorcist mula sa Diocese ng Malolos, bahagi rin ng panuntunan ng simbahan bilang paggalang sa napayapa ay mailagak o mailbing ang mga labi sa lugar na hindi nagagambala.

Dagdag pa ng pari, bamag’t walang itinakdang panahon sa paglilibing ay mabuti na mailibing ang ‘urn’ bilang pag-iingat.

Ang pahayag ng pari ay kaugnay na rin sa ginagawa ng ilan na pag-uuwi sa ‘urn’ ng kanilang namayapang mahal sa buhay.

‘Sa instruction na ibiigay ng Vatican ay wala namang sinasabi na isang taon, dlaawang taon o ilang buwan …ang mahalaga po doon ay mailibing ang labi na isina-abo,” ayon kay Fr. Baltazar.

Dagdag pa ng pari, mayroon ding maikling panalangin ang inuusal sa mga sinusunog na bangkay:“Pagkalooban mo siya ng kapahingahan at kapayapaan sa isang daigdig na hindi na makapangyayari ang alabok at abo.”

‘Kaya yung hope natin, anuman man siya gaano man siya katagal na naroon sa bahay ay kailangan nating ilagay doon sa kapahingahan doon sa isng lugar na matatamo niya ang kapayapaan. mahalaga hindi natin siya ididisplay,’ paliwanag pa ni Fr. Baltazar.

‘Yun pong security ng katawang lupa, kahit naisaabo ay kailangan nating ilagay sa angkop na lugar,’ paliwanag pa ng pari.

Bahagi din ng Ad Resurgendum cum Christo na inilabas ng Congregation for the Doctrine of the Faith na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagsusunog ng bangkay o creamtion, hindi rin pinahihintulutan ang pagsasaboy ng abo ng mga namayapa.

Karaniwan na sa Pilipinas na bago ang pagsasaabo ng katawan ng nasawi ay binibigyan ng pagkakataon ang pamilya sa huling sulyap sa mga labi subalit dulot na rin ng nakakahawang sakit tulad ng novel coronavirus ay hindi na ito pinahihintulutan.

Sa pinakahuling tala mula sa 2.7 milyong nahawaan ng Covid-19 sa bansa umaabot na sa higit 47 libo ang nasawi at mga sinunog na bangkay maliban lamang sa mga relihiyon na hindi sang-ayon na sunugin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 70,851 total views

 70,851 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 116,574 total views

 116,574 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 118,784 total views

 118,784 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 189,638 total views

 189,638 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 196,702 total views

 196,702 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top