Ialay ang misa bilang pag-alaala sa mga yumao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 720 total reads

Hinikayat ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang mga mananampalataya na tuwinang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa pamamagitan ng banal na Eukaristiya.

Ito ang mensahe ni Bishop Vergara, lalo na sa mga mananampalataya na walang pagkakataon na makadalaw sa mga puntod ng mga mahal sa buhay dahil sa karamdaman o bunsod rin ng umiiral na community quarantine dahil sa pandemya.

Paliwanag ng Obispo, isa sa mga paraan upang alalahanin ang mga yumao ay ang pag-aalay ng banal na Eukaristiya na itinuturing bilang pinakamahalaga at pinakamataas na uri ng pananalangin.

Panawagan din ni Bishop Vergara sa mananampalataya na sikapin ang pagdalo sa misa lalo na tuwing linggo – o ang Sunday of obligation maging ito man ay ‘online’ o sa mga parokya.

Sa kasalukuyan, kasabay ng pagbaba ng bilang ng mga nahahawaan ng Covid-19 ay patuloy namang niluluwagan ng pamahalaan ang ‘alert status’ kung saan may 50 porsiyento ng ‘seating capacity’ ng mga parokya ang maaring makadalo sa mga idinaraos na misa.

“Kaya nga sana’y makita natin na ito’y hindi lang obligasyong dapat tuparin, kundi nakaugat sa ating katauhan bilang anak ng Diyos. Sana maunawaan po natin yan. Sinasabi nga po, dumating na sana sa buhay ng bawat katolikong kristiyano na hindi sila mabubuhay kung walang Eukaristiya, ” ayon kay Bishop Vergara.

Nauna nang naglabas ng pastoral instruction si Bishop Vergara para sa Diyosesis ng Pasig hinggil sa paggunita sa Undas ngayong taon bilang pagtalima na rin sa panuntunan ng pamahalaan.

Matatandaan namang inanunsyo ng Inter-Agency Task Force ang muling pagsasara ng mga sementeryo sa bansa ngayong Undas, katulad ng ginawa noong nakaraang taon, upang maiwasan ang pagdagsa ng mamamayan at maging ligtas laban sa COVID-19 transmission.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 4,940 total reads

 4,940 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 16,188 total reads

 16,188 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 121,060 total reads

 121,060 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 161,618 total reads

 161,618 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 182,072 total reads

 182,072 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 230,269 total reads

 230,269 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 133,548 total reads

 133,548 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top